Teejay Marquez, balik-Indonesia para sa kanyang kauna-unahang teleserye

ADVERTISING

Teejay Marquez, balik-Indonesia para sa kanyang kauna-unahang teleserye

Teejay Marquez
Teejay Marquez

Bumalik na sa Indonesia si Teejay Marquez para sa taping ng kanyang kauna-unahang teleserye sa nasabing Bansa, kung saan makasasama nito ang mga sikat na Indonesian stars.
Ayon nga kay Teejay Marquez, tumatagal ng tatlong taon ang mga teleserye sa Indonesia lalo na kapag nag-click ito sa mga manonood. Pero six (6) months lang daw munang mananatili si Teejay sa Indonesia para sa nasabing soap.
Ayaw raw kasi ni Teejay na magtagal nang ilang taon sa Indonesia, dahil baka makalimutan na raw ito sa Pilipinas. Gusto raw kasi nito na pabalik-balik sa Indonesia kapag wala siyang trabaho sa Pilipinas.
Gagampanan ni Teejay sa nasabing teleserye ang isang Pinoy Indonesian na bumalik ng Indonesia. Bukod nga sa nasabing serye ay magiging busy rin si Teejay sa promotion ng kanyang pelikula na ipalalabas sa May 5 sa mga sinehan sa nasabing bansa entitled “Dubsmash The Movie”.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING