Teaser ng pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza, tinutukan ng buong bansa

ADVERTISING

Teaser ng pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza, tinutukan ng buong bansa

Aldub Movie Poster
Aldub Movie Poster

Tumutok ang buong Pilipinas last June 16 sa “Eat… Bulaga!” sa pagpapalabas ng first teaser ng inaabangang pelikula ng Phenomenal Love Team nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang “Imagine You and Me” ng APT Entertainment at GMA Films, mula sa direksiyon ni Mike Tuviera.

Ang pelikulang ito raw ang magsisilving 1st anniversary offering ng AlDub na aksidenteng nabuo sa noontime show noong July 16, 2015 sa kalye serye segment nito.

Sa July 13, 2016 mapanonood sa mga sinehan ang pelikulang ito nina Alden at Maine na halos karamihan ng eksena ay kinunan sa iba’t ibang magagandang lugar sa Italy, kung saan halos isang buwan ding namalagi ang dalawa kasama ang iba pang cast sa nasabing bansa.

Teaser pa lang ng “Imagine You and Me” ay marami nang kinilig at nagparamdam ng pagkagusto sa pelikula ng dalawa sa pamamagitan ng pagpo-post ng papuri sa social media. Kaya marami ang nagsasabing siguradong tatabo ito sa takilya.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING