Tayong Dalawa Grand Fans Day, dinumog!

ADVERTISING

Tayong Dalawa Grand Fans Day, dinumog!

Late na raw pinapasok ang mga fans dahil sa sobrang dami ng nag-aabang at nakapila sa Sky Dome sa Grand Fans Day ng Tayong Dalawa. Malapit na ngang matapos ang top-rating na primetime teleserye ng Dos, kaya naman it’s high time they give back to their fans ano!? Pero, mukha namang nag-enjoy ang mga fans sa gimmicks ng cast. ‘Andyan ang pagpupunas nina Lola Gets, Marlene, Ula, Greta at Ingrid sa kumakantang si Ramon (Coco Martin). Matapos non eh nagpaakyat pa sila ng fans para manggaya ng mga eksena mula sa teleserye. Halos magunaw na nga ang Sky Dome nang lumabas ang tatlong bida – sina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca. Isa ang serye ito sa mga ‘di malilimutang primetime shows ngayong taon.

ADVERTISING

By Faith Salazar, Photos by Mark Atienza and Allan F. Sancon

ADVERTISING