Taxi driver galit kay Sarah Geronimo by Alex Brosas

KALOKA ANG ISANG taxi driver na nasakyan ng friend namin. Super imbiyerna kasi ito kay Sarah Geornimo.

Ang kuwento ng driver, may project sa school ang kanyang anak at kailangang ma-interview niya si Sarah. Bale group project daw ito.

Nakipag-coordinate ang kanyang anak sa Viva , ang namamahala ng career ng Pop Star. Maayos naman silang inasikaso at sinabihan sila na magpunta na lamang sa ABS-CBN dahil naroon si Sarah at may ASAP siya.

Nagpunta naman daw ang estudyante kasama ang tatlo niyang classmate na kasama niya sa grupo. Nakausap daw nila ang madir ni Sarah na si Mommy Divine. Umokey naman daw ang mother dear ng dalaga at ibinigay pa ang kanilang address sa bahay dahil busy si Sarah noon. Sinabihan silang sa bahay na lang nila gawin ang interview para walang istorbo.

Noong hapon ding iyon, pumunta sa bahay ang mga estudyante. Wait-to-death talaga sila. Sa isip-isip nila, hindi naman pala mahirap kausapin ang madir ni Sarah, napaka-accomodating nito.

Napanis na raw ang beauty nila sa paghihintay kay Sarah, hindi pa ito dumarating. Nang biglang dumating ang van ni Sarah, nabuhayan sila ng loob. Kaya lang, para raw silang binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin sa kanila ng kasambahay ni Sarah na wala pa ang dalaga at may iba pang appointment.

Super-disappointed ang mga estudyanted dahil sa nangyari.

Ang chika pa ng taxi driver, kapag naririnig niyang tinutugtog ang kanta ni Sarah, inililipat niya ang istasyon ng radio. Gayon din ang ginagawa niya kapag nakikita raw niya ang dalaga sa TV.

True ba ito, Sarah? Please explain. Now na!

NAPAMURA RAW SI Direk Rowell Santiago nang malaman daw niyang dadalhin ni Jomari Yllana ang Youtube singing sensation na si Marie Digby.  Feeling kasi niya, hindi ito posible. Pero nagawa nga ni Jom ang imposible para kay Direk Rowell. Sa katunayan, dinumog ang dalaga sa kanyang unang public appearance sa bansa noong isang hapon.

Hindi mabilang ang nagpa-autograph at nagpa-picture kay Marie nang magkaroon siya ng album promo sa second floor ng Podium noong Miyerkules. Mayroon pa nga raw nag-absent sa kanilang klase at hindi pumasok sa office makita lang ang dalagang singing sensation.

Sabi ni Marie sa interview sa kanya, talagang nahirapan siyang makapasok sa mainstream music industry. Mabuti na nga lang at talagang sumikat ang kanyang version ng “Umbrella” ni Rihanna nang i-post niya ito sa Youtube. May concert si Marie sa NBC Tent sa The Fort sa Aug. 1.

Sa nasabing event, itinanggi ni Jom ang tsismis na sila nga ngayon ni Radha. “Tatlong linggo kasi kaming palaging magkasama kaya siguro natsismis kami. Actually, she’s working sa Fearless, sa creative department siya,” esplika ni Jom.

Eh, may date ba naman sila ni Marie? “Hindi ko alam, eh. Nagdya-jack and poy pa kami ni Ronald kung sino ang mauuna,” pagpapatawa ni Jom. Si Ronald ang business partner ni Jom sa Fearless Production.

Hindi naman itinago ng aktor na hanga siya sa ganda ni Marie. “Maganda talaga siya. She’s actually a lot better in person, madaling kausap, magaling,” say niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleKC Concepcion at Piolo Pascual, ayaw pang umaming magdyowa na by Eddie Littlefield
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #115

No posts to display