Tatay ni Angelo Ilagan, nilayasan ang pamilya dahil sa hospital bill?!

ADVERTISING

Tatay ni Angelo Ilagan, nilayasan ang pamilya dahil sa hospital bill?!

 

Tatay ni Angelo Ilagan, nilayasan ang pamilya dahil sa hospital bill?!
Angelo Ilagan

SERYOSO NA si Angelo Ilagan sa kanyang career.

  Iba na ang kanyang attitude sa trabaho kesa nu’ng kabataan niya at “Mga Anghel Na Walang Langit” days nu’ng 2005.  Humihingi siya ng sorry sa pagiging unprofessional niya nu’ng araw dala ng pagiging bagets niya.

Wish niya na tuluyan siyang  makabalik sa showbiz at mabigyan ng break. Nagsisilbi niyang inspirasyon ang kanyang mga anak.

ADVERTISING

Post nga niya sa kanyang Facebook Account: “Kaya kong kalimutan lifestyle ko para sa inyo mga kids. Mahal na mahal kayo ni Daddy at wala  na akong iniisip araw-araw kundi ang future n’yo. Naging masipag ako at masigasig dahil sa inyo.Sana tulungan ako ni God para maibigay ko ang gusto n’yo. Ayoko ko kasi magaya kayo sakin na  lumaki  na walang kinilalang tatay at walang nag-aruga.”

May post pa siya  nu’ng Father’s Day sa kanyang FB account  na “Proud ako sa tatay ko mula pinanganak ako ng nanay ko hindi ko siya nakita. Sabi ni Mama natakot daw sa hospital bill.” Tapos may emoticon na tumatawa na may lumuluha.  

Actually, nagpapasalamat si  Angelo sa ibinigay na break ulit ng ABS-CBN 2 sa kanya lalo na ng Star Creatives at Unit  ni Ruel S. Bayani.

Nabigyan siya ng  magandang role sa seryeng  “You’re my Home” bilang si Jawo. Kasama rin  siya ngayon sa Jaguar Boys  ni Wendell Ramos sa  “Wildflower”. Napanood din siya  ngayong Sabado sa “Houseboys” sa Ipaglaban Mo” ng ABS-CBN 2 na kung saan ay kasama sina Michael De Mesa, Junjun Quintana, Jomari Angeles at Paulo Angeles. 

Si Angelo ay nanalo ng award nu’ng 2006 sa Golden Screen Award bilang Breakthrough Performance by an Actor sa pelikulang “Sarong Banggi” with Jaclyn Jose.

~0~

 

-o0o-

CHRISTIAN BAUTISTA, WAGI NG PATNUBAY NG SINING AT KALINANGAN AWARD!

Tatay ni Angelo Ilagan, nilayasan ang pamilya dahil sa hospital bill?!DAGDAG POGI POINTS na naman ang na-achieve ni Christian Bautista!

Isa na naman kasing parangal ang naiuwi ng Kapuso star at Asia’s Romantic Balladeer dahil balita namin ay binigyan siya ng Manila government ng Patnubay ng Sining at Kalinangan award dahil sa kanyang natatanging galing sa larangan ng musika.

Congrats naman sayo, Christian! Pero as Winston sa My Love From The Star, enough na kaya ito para mapansin ka ni Steffi (Jennylyn Mercado)?

 

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

ADVERTISING