Tara, Viber tayo

HINDI YAHOO Messenger. Hindi rin Instant Messenger. Hindi na What’s App. kundi Viber na ang in na in, hit na hit at trending sa mga bagets ngayon!

Ang Viber ay isang software na puwedeng-puwede sa mga smartphones ng kabataan ngayon. Basta’t sila ay naka-Mac OS, Android Blackberry OS, iOS, Series 40, Symbian, Bada, Windows Phone at Microsoft Windows. Ito ay dinevelop ng Viber Media kung saan maaaring mag-text, magpalitan ng mga larawan, kanta at maging video rito sa pamamagitan ng pag-send lang. Kahit saan, kahit kalian, maaasahan ang Viber basta siguraduhin mo lang na may internet connection ka.

Talagang padami na rin nang padami ang mga bagets na nahuhumaling sa software na ito dahil noong Mayo 7 ng taong 2013, pumatak sa 200 milyon katao ang gumagamit ng Viber.

Alam n’yo ba ang nakadiskubre at nakaimbento ng Viber ay mga Israeli. Sila ay sina Talmon Marco, Igor Megzinik, Sani Maroli at Ofer Smocha. Noong umpisa, ang plano talaga ay i-launch ang Viber para lang sa iPhone noong taong 2010 para magsilbing kakumpitensiya ng Skype. ‘Di nagtagal, nagkaroon ito ng pre-release version para sa Android noong 2011 pero limitado lang sa limampung libong katao ang puwedeng makapag-download nito. Isang taon din ang dumaan bago nagkaroon ng unrestricted version nito. Pero, kahit puwede na ito sa iOS at Android, may pagkakaiba pa rin ang Viber sa bawat platform nito. Sa iPhone lamang available ang voice calling. Samantalang sa Windows at sa Android wala nito. Pero may usap-usapan na pinaplanong magkaroon at HD voice pa nga raw.

Ang maganda pa sa Viber ay hindi ito kumplikadong gamitin. Napaka-user friendly pa nga nito dahil pagkatapos na pagkatapos mo itong i-download mula sa Appstore para sa mga iPhone users at sa Playstore naman para sa mga Android users, mayroon itong user interface na siyang magsisilbing entry pass sa Viber. ‘Yung tipong isang click mo lang dito, nasa Viber ka na.

Sa una, kinakailangan mo rin munang gumawa ng iyong Viber account. Madali lang naman ito, ang gagawin mo lamang ay sagutan ang mga detalye na hinihingi nila tulad ng pangalan, e-mail address, edad, kasarian, cellphone number at lokasyon. Kapag nabigay mo na ang mga ito, ite-text ng Viber sa iyong cellphone ang isang set ng code. Ito ay ginagawa para magsilbing verification number at confirmation ng pagiging isang Viber member. Automatic din ang pag-sync ng contacts mo sa Viber kaya hindi mo na kinakailangan isa-isahin ang paglagay ng contacts ng mga kaibigan mo na may Viber.

Maituturing din na ang Viber ay hindi lang basta-basta simpleng app dahil laking tulong din ng software nito sa ating kapwa Pilipino na mga nasalanta ng bagyong Yolanda kamakailan lang. Bakit? Dahil noong Disyempre ng nakaraang taon, inilabas ng Viber ang Viber Out, ito ay isang feature kung saan ang mga Viber users kahit walang Viber app ay libreng makatatawag kahit nasan man sila. Ito ay para ma-contact nila at maka-connect sa mga mahal nila sa buhay.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

Previous articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 7 Issue 41 March 24 – 25, 2014
Next articleBiktima ng Sexual Abuse ng Sariling Tiyo

No posts to display