Tapos na ang tambalang Dingdong Dantes – Rhian Ramos: Marian Rivera, nakahinga ng maluwag! – Lolit Solis

Tapos na ang tambalang Dingdong Dantes – Rhian Ramos: Marian Rivera, nakahinga ng maluwag! - Lolit SolisTapos na ang tambalang Dingdong Dantes – Rhian Ramos: Marian Rivera, nakahinga ng maluwag! - Lolit SolisMABUTI NA LANG nabigyan kami ng chance sa Startalk na magsalita tungkol dito sa isyu ni Hayden Kho, kaya nailabas namin ang pananaw namin sa isyu niya.

Lalo na si Butch Francisco na irita sa kasinungalingan ni Hayden, pati ang kampo niya, dahil alam naman nila ang totoong nangyari.

Emote na emote si Hayden sa paglitanya na hindi raw sila magsasalita sa Startalk dahil masama ang loob nila sa amin. Pero nu’ng panahong kailangan nila ng media mileage, ‘yung kailangan nilang mailabas ang kanilang panig, open ang Startalk sa kanila.

Pero sa akin naman, kung gusto nitong Hayden na magsalita sa ibang programa at hindi sa Startalk, okay lang talaga dahil hindi namin siya kailangan, mas kailangan niya kami, ‘no!

Talagang pinanindigan nila ang kuwento nilang hindi nagtangkang magpakamatay si Hayden, kundi nagkasakit lang daw talaga.

Kaya bumalik uli ang mga taga-Showbiz Central sa lugar, kung saan natagpuan si Hayden doon sa Silang, Cavite para kausapin ang mga taong nakakita sa kanya at tumulong na dalhin ito sa hospital.

Naloka ang crew ng Showbiz Central sa mga sinabi ng mga taong tumulong kay Hayden dahil nagalit sila sa pagdi-deny nila.

Sabi nga nu’ng isang lalaking nakakita kay Hayden, kung alam lang daw nilang iibahin nila ang kuwento at hindi nila aaminin kung ano talaga ang nangyari, sana raw nagtawag na lang daw sila ng sampung bading para pagsawaan daw ang katawan ni Hayden at pinabayaan nila ito.

Hindi na ako nagtaka na magsisinungaling sila at hindi nila sasabihin kung ano talaga ang ginawa ni Hayden dahil siyempre kailangan pa rin nila itong proteksiyunan lalo na’t nandiyan pa rin ang kaso at bongga pa rin ang suporta sa kanya ni Dra. Belo. Hay naku! Kaya ewan ko kung makukuha pa ni Hayden ang simpatiya ng mga tao.

Tama nga si Katrina Halili, mahirap patawarin ang taong hindi naman humihingi ng tawad at wala ka pa ring nakikitang pagbabago.

IN FAIRNESS KINA Dingdong Dantes at Rhian Ramos, hanggang sa natapos ang Stairway to Heaven nu’ng nakaraang Biyernes lalong gumanda ang chemistry nila kaya puwede pa talaga silang pagsamahin dahil may magic pa rin ang loveteam nila.

Pero balik Marian Rivera uli si Dingdong at mas gusto nila ito siyempre para wala nang intrigahan.

Tinanong nga si Marian ng Startalk reporter kung nakahinga na ba siya nang maluwag ngayong tapos na ang Stairway? Natapos na rin ang intriga sa kanila ni Rhian at napatunayan nitong mahal talaga siya ni Dingdong dahil walang  na-develop sa kanila ni Rhian, isang malutong na “Korak!” ang sagot ni Marian.

Pero consistent ito sa pagsasabi na wala siyang naramdamang selos kay Rhian at kung sakaling pagsamahin sila sa isang project, okay lang daw sa kanya at mas alam naman daw ng GMA-7 at ng manager niya kung ano ang makabubuti sa kanilang career.

Samantala, nirespeto naman daw ni Marian ang desisyon ni Mark Anthony Fernandez na magpaalam sa Darna dahil kailangan na nitong magpahinga para mapaghandaan ang susunod niyang project kasama si Regine Velasquez.

Magpapaopera pa si Mark ng cyst na tumubo sa dibdib niya kaya sey ni Marian, mabuti na ring pag-ukulan muna ni Mark ng panahon niya ang kanyang kalusugan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis