‘Tapos makipag-break sa kani-kaniyang dyowa
Luis Manzano at Angel Locsin, magbabalikan?

ADVERTISING

<i>‘Tapos makipag-break sa kani-kaniyang dyowa</i><br> Luis Manzano at Angel Locsin, magbabalikan?

Luis-Manzano-Angel-LocsinTALAGANG SEASON ngayon ng hiwalayan, huh! Mainit pa ngang pinag-uusapan ang break-up nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado, kinumpirma na rin daw ni Angel Locsin na break na rin sila ni Phil Younghusband.

Kita mo ang kabit-kabit na relasyon ng taga-showbiz, ha? Nu’ng nag-break sina Dennis Trillo at Jennylyn, ang kasunod naman nu’n, break na sina Luis at Angel. Pagkatapos nu’n nag-on sina Luis at Jennylyn, mga halos isang taon din ang lumipas, naging mag-on naman sina Phil at Angel. Masaya na sila sa kanilang lovelife, ‘di ba?

Ngayon, nag-break sina Luis at Jennylyn, ang kasunod naman ay break-up nina Angel at Phil. Nauna pa yata sina Angel at Phil, dahil halos isang buwan na raw silang break, pero tahimik lang sila at ngayon lang kinumpirma ni Angel na ayaw namang sabihin kung bakit.

Luis-Manzano-Angel-LocsinSi Jennylyn, tahimik pa rin sa break-up nila ni Luis, pero iyak daw ito nang iyak lagi, kahit sa taping ng programa niyang Anak Ko ‘Yan. Ang alam ko nagsalita na si Luis, pero hindi ko pa knows kung ano ang mga sinabi.

ADVERTISING

Narinig ko lang nu’n na sangkot si Dennis Trillo dahil nakarating daw sa kanya na nakipag-date si Jennylyn kay Dennis. Dini-deny nilang dalawa, pero may mga taong malapit sa kanila na nagsabing totoo naman daw.

Bago nauso ‘yang break-up na ‘yan, nag-break na rin sina Mark Herras at Ynna Asistio. Nag-break din sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Ang isa pang naririnig kong break na rin ay sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, pero wala pang may nagsasalita sa kanila.

Ngayon, magsasama uli sina Mark at Jennylyn sa isang drama series na Madame X, at pareho silang single.

Hindi kaya ang ending nito; magkabalikan sina Luis at Angel, magkabalikan din sina Jennylyn at Mark, at si Dennis naman ay malamang magkabalikan din sila ni Cristine.

Nakakaloka, ‘di ba? Malamang mangyayari ang isa diyan sa mga hinuhulaan ko. Abangan n’yo na lang!

 

IN FAIRNESS, lalong tumataas ang rating ng Basang Sisiw na malapit nang matapos. Kahit nasa gitna ng intriga pa rin si Lani Mercado na isa sa mga bida ng Basang Sisiw, hindi naman apektado at mataas pa rin ang rating.

Pero ayaw na muna ni Lani na magpa-interview para sa promo ng pagtatapos ng Basang Sisiw at baka mamaya mahanapan na naman ‘yan ng ititira sa kanila.

Pagkatapos ng Basang Sisiw, papalitan ito ng Villa Quintana na nagpasikat dati kina Donna Cruz at Ian de Leon. Dito ilu-launch ang bagong loveteam nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Kahit malakas din ang JuliElmo fans, suportado pa rin naman nila kung may bago nang ka-loveteam ang idol nila. Suportado raw nila ang tandem nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin. Siguro naman suportahan din nila ang bagong loveteam na Elmo at Janine.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING