Tapatang Iza Calzado-Jodi Sta. Maria sa ‘Ang Iyo ay Akin’, lalong tumitindi!

ADVERTISING

KAHIT NA limited ang mga taong nakakanood ng teleseryeng ‘Ang Iyo ay Akin‘ na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria, hindi maipagkakaila na bongga ang
impact nito sa mga netizens na habang tumatagal ay dumarami ang nakakapansin at naaadik sa palitan ng mga fierce linyahan ng dalawang award-winning stars.

Sa mga hindi nakakaalam, ang teleseryeng ‘Ang Iyo ay Akin’ ay tungkol sa dalawang matalik na magkaibigan na nasira ang relasyon dahil sa isang krimen na ang isa ang sumalo. Idagdag pa ang inggit at agawan ng mana at asawa! Kaloka!

ADVERTISING
Tapatang Iza Calzado-Jodi Sta. Maria sa 'Ang Iyo ay Akin', lalong tumitindi!
Jodi Sta. Maria and Iza Calzado

Hindi namin nasusubaybayan masyado ang teleseryeng ito, pero napansin namin na laging trending ang mga episodes nito lalo na sa tuwing nagtatapatan sina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Elisse (Iza Calzado).

Idagdag pa na parehong nakatikim ng malutong na sampal mula sa one and only Diamond Star na si Maricel Soriano ang dalawang bida! With Sam Milby as their leading man, kumpletos rekados ang trio na ito.

Kung karamihan ng mga pinaplanong teleserye sa telebisyon ngayon ay either tatapusin na lang o good for one season, extended to second season ang ‘Ang Iyo ay Akin’. Kabogera nga ang  teaser trailer nila dahil talagang ayaw paawat ng dalawang bida sa agawan ng korona. Panoorin!

ADVERTISING

Sa bagong yugto ng ‘Ang Iyo ay Akin’ ay makakasama na sina Rita Avila, Joseph Marco, Grae Fernandez, Kira Balinger at totoo ba na may Kapuso actress na papasok sa serye soon? ‘Yan ang ating abangan!

ADVERTISING