Tapatan ng ALEMPOY (Alessandra de Rossi – Empoy) at ASHLLOYD (Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz), inaabangan na!

ADVERTISING

Tapatan ng ALEMPOY (Alessandra de Rossi – Empoy) at ASHLLOYD (Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz), inaabangan na!

Tapatan ng ALEMPOY (Alessandra de Rossi – Empoy) at ASHLLOYD (Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz), inaabangan na!
AshLloyd (Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz) and AlEmpoy (Alessandra de Rossi and Empoy)

ISANG MALAKING TWIST ang kaganapan ngayon sa mundo ng pelikulang Pilipino.

Last Wednesday (July 19) ang kauna-unahang araw ng mainstream showing ng indie film na ‘Kita Kita’ na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Sabihin na natin na walang bonggang expectations ang mga producers nito (Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal etc.) dahil hindi naman sa mainstream ang fanbase ng dalawang bida.

Si Alessandra de Rossi ay isang award-winning actress na kahit kalog sa social media ay puro serious at kontrabida roles ang napupunta sa kanya.

On the other hand, madalas na side-kick ng mga leading man ang papel ni Empoy sa mga pelikula at TV shows niya sa TV5.

ADVERTISING

Mas matangkad si Alessandra kay Empoy kaya medyo unique ang tambalang ito.

Tapatan ng ALEMPOY (Alessandra de Rossi – Empoy) at ASHLLOYD (Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz), inaabangan na!
Empoy and Alessandra de Rossi

By July 21, nadagdagan ang mga sinehan na nagpapalabas ng Kita Kita dahil na rin sa demand ng mga manonood. By Sunday, kumite ito ng Php 25 Million in one day.

Php 25 million, mga bes. Dahil lang ‘yan sa word of mouth at pabonggahang hugot ng mga manonood sa social media at sila na mismo ang nag-influence sa mga friends nila to watch the movie.

On the other hand, ang tambalang AshLloyd nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ay expected to make money. Ang trilogy movies featuring Miggy and Laida (A Very Special Love, You Changed My Life and It Takes a Man and a Woman) ay certified box-office hits at may cult following na.

First time ng dalawa na kumawala sa characters nila as Miggy and Laida kaya interesting kung ano ang takbo ng Finally Found Someone.

Isa sa mga naging bentahe noon ay ang pagiging single ni Sarah Geronimo. Ngayon na everyone knows na she is in a serious relationship with Matteo Guidicelli, makakabawas kaya ito sa kilig ng tambalan nila ni Lloydie?

Bukas na ang opening date ng Finally Found Someone and based on the tweets ng mga nakapanood na sa advanced screenings, naroon pa rin daw ang natural na kilig na hatid ng AshLloyd.

Tapatan ng ALEMPOY (Alessandra de Rossi – Empoy) at ASHLLOYD (Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz), inaabangan na!
John Lloyd Cruz with Sarah Geronimo

Every night naman ay trending sa Twitter ang “Kita Kita” at most tweets are saying how ALEMPOY broke their hearts or made them believe in love again.

May ilan na wish pang makahabol sa sinehan.

With Kita Kita and Finally Found Someone shown at the same time, saan mo isusugal ang Php 250 mo?

Sa totoo lang, hindi naman natin kailangan na mamili ng isang pelikula. You can watch both!

Interesting lang talaga talaga kung ano ang kahihinatnan ng pagtatapat na ito.

Two years ago ay sleeper hit din ang Heneral Luna. Dahil mas pinili ng mga tao na gastusin ang pera nila watching this historical movie, nabawasan ang interes ng mga tao sa star-studded movie na ‘Etiquette for Mistresses’ kaya hindi ito masyadong pumatok sa takilya kahit sabihin mo pa na may Kris Aquino at Kim Chiu pa ito. Siguro kung mas binenta as comeback ni Claudine Barretto ito ay may hatak pa.

This is a good sign sa Pinoy movie industry. Nood na!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez

ADVERTISING