Tanya Garcia, balik-Kapamilya na nga ba?

ADVERTISING

Tanya Garcia, balik-Kapamilya na nga ba?

Photos courtesy: MMK Facebook account
Photos courtesy: MMK Facebook account
Photos courtesy: MMK Facebook account
Photos courtesy: MMK Facebook account

IKINABIGLA IN a good way ng televiewers ang paglabas ni Tanya Garcia sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado ng gabi. Patunay rito ang pag-trending ng ‘#MMKBagitoLover’ at ‘Tanya Garcia’ sa Twitter. Isang May-December relationship ang paksang tinalakay. At ang twist sa kuwentong ito? Mas matanda ang babae. On her 30’s ang character ni Tanya na nainlab at nabuntis ng 15-anyos na teenager, na ginampanan ng ex-PBB housemate na si Yves Flores.
Hindi napigilan ng netizens na mag-reminisce dahil sa guesting ni Tanya sa Dos. For the past years naman ay lumalabas ang misis ni Mark Lapid sa iba’t ibang palabas ng GMA 7 playing supporting mother roles, na hindi naman masyadong napapansin. Parang kailan lang nang siya ang itinuturing na isa sa Drama Princesses ng GMA together with Sunshine Dizon and Angelika dela Cruz, na ngayon ay gumaganap na rin ng support roles sa mas nakababatang leading ladies.
Sa mas bagets na readers ng Pinoy Parazzi, gusto ko lang bigyan kayo ng ilang trivia. Alam n’yo ba na si Tanya Garcia ang naging ka-loveteam ni Dingdong Dantes nang lisanin ng ex-girlfriend nito na si Antoinette Taus ang ‘Pinas? Nag-umpisa ang tambalang Dingdong-Tanya sa Anna Karenina and eventually, binigyan sila ng Siyete ng soap opera entitled Sana Ay Ikaw Na Nga. Tumagal nang halos dalawang taon ang serye at nagkaroon din ng rivalry sina Tanya Garcia at Kristine Hermosa sa pagiging pinakamagandang teleserye star sa Primetime. Nasundan din ang proyekto nila ng mas light drama na Twin Hearts, kung saan naman nakasama nila ang magiging girlfriend for a longtime ni Dingdong na si Karylle, na alam naman natin na may controversial break-up na diumano’y caused by the blooming relationship sa Marimar actress na si Marian Rivera.
Isa si Tanya Garcia sa mga artista sa showbiz na walang pretensions. Ito ay happily married kay Mark Lapid at may dalawang lovable kids. With her exposure sa Kapamilya Network, we can’t help but think of possible projects for her kung sakaling lumipat na nga ito. What if pagsamahin sila ni Kristine Hermosa sa isang soap opera? Sa pelikula naman, bet ko rin makita siyang ka-love triangle nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Anong masasabi n’yo, mga kaparazzi?

ADVERTISING

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING