TANGGAPIN NIYO NA: James Reid at Nadine Lustre, handa na sa sensual roles

ADVERTISING
TANGGAPIN NIYO NA: James Reid at Nadine Lustre, handa na sa sensual roles
Nadine Lustre and James Reid

KAMAKAILAN LANG ay ni-launch na ang bagong endorsement nina James Reid at Nadine Lustre kasama sina Brent at Lauren for a liquor brand. Hot at matured ang tema ng TVC at masasabi na ito ang way ng JaDine tandem to tell the world na they’re officially grown ups now.

The past few months ay naging controversial si Nadine. Mula sa pagpasok nila sa It’s Showtime at pagtatanggol nito sa pagiging unprofessional diumano ni James to winning the FHM’s sexiest woman of 2017 title (na tinaasan ng kilay ng ilan) to her Twitter eme-eme to her ‘come on guys it’s 2017’ statement and stand about possible live-in set-up up to her patola eme-eme sa isang diehard fan sa social media.

ADVERTISING

Whew! Grabe! While the lady is going through these challenging scenarios, ang dyowa naman niya na si James ay nakapag-produce ng album na good ang reviews at inatasan pa ng bagong solo project as the millenial Pedro Penduko.

Just recently ay nagpost ng meaningful Instagram update si Nadine, kung saan nakasulat na “I like me better when I’m with you”. Hindi kita ang fez ni Nadine o ni James, pero halatang they’re spending a lazy moment together in an intimate manner.

 

I like me better when Im with you.

A post shared by @nadine on

ADVERTISING

Naka-off na ang comments section ng IG Nadine, pero sa ibang sites o blogs naman nagcocomment ang mga JaDine fans and bashers. Ang iba’y kinikilig habang ang iba naman ay nagsasabi na sobra na raw ang pagiging showy ng dalawa.

Para sa amin, of age na sina James at Nadine to do whatever they want. Hudyat na siguro na bigyan na sila ng Viva Films ng movie project that will launch them as sensual lead stars. Tutal, game na game naman sila. Tanggapin na lang natin na lampas na sila sa pabebe stage, noh! Kung ayaw mag-mature ng kasabayan nila, hayaan sila to grow and be different.

ADVERTISING