Tampuhan ng mag-inang celebrities, walang may gustong magsulat!

NAGTATAKA LANG KAMI. Noon pa kasi namin naririnig ang balitang not in good terms ang mag-inang celebrities. Kaso nga, hindi lang masyadong pinag-uusapan, dahil nga walang may gustong i-touch ito.

Dahil siyempre, pagsasabungin mo ba naman ang mag-inang nagtatrabaho sa isang network? Kahit nga kami, feeling namin, meron lang sigurong misunderstanding ang dalawa, at normal lang ‘yan sa isang mag-ina, kaya hindi na dapat itong pinalalaki ng ibang tao.

Eh, ang kaso kasi, pareho silang sikat, kaya hindi maiaalis na kahit hindi nasusulat eh, pinag-uusapan naman ng mga madlang people na kilala sila pareho.

Sana nga, isang araw, makita natin ang mag-ina na magkasama para na rin hindi na sila pinag-uusapan ng mga tao kumbakit ang tagal na nilang may tampuhan. After all, mag-ina pa rin sila at sila pa rin ang magkakampi at the end of the day.

Sana, mag-usap na sila’t magkahingahan ng sama ng loob para makita uli sila ng mga fans na magkasama at manatili sa puso ng mga Pilipino na sila ang role model ng isang magandang samahan ng mag-ina.

(By Ogie Diaz)