TAMIS! Kim Chiu may sweet birthday message para kay Xian Lim

ISA SA pinaka-solid na real-life couple sa showbiz ngayon ay sina Xian Lim at Kim Chiu. Kahit na hindi sila nagsasama ngayon sa iisang TV station, nananatiling matatag ang kanilang pagmamahalan.

Noong Martes ng gabi ay idinaan ni Kim Chiu ang kanyang sweet birthday message para sa longtime boyfriend na may kalakip na videos and photos ng minamahal.

TAMIS! Kim Chiu may sweet birthday message para kay Xian Lim
Kim Chiu and Xian Lim

“To the person who always gives me the reason to smile, to see the good in every situation, my sponge whenever I feel bad, my photographer/videographer, my yin to my yang, my introvert to my extrovert self, travel buddy, my food-trip buddy, my best friend, this can go on and on but….. I want you to know that I appreciate you so much,” post ni Kim.

“Thank you for being you. Thank you for existing in this world. Wishing you nothing but the best! Everything that you deserve. You are a blessing not just to me but to everyone around you. You have a good heart always remember that. The world is big, and so as your dreams. I’m just here beside you, walking with you hand in hand. HAPPY BIRTHDAY, ALEXANDER!!!! #ily Cheers to many more birthdays to celebrate together,” dagdag pa niya.

Sa isang post din ay ibinahagi ng aktres ang cover nila ni Xian Lim ng kantang ‘Every Breath You Take’.

Sulat niya sa caption ng video: “HAPPY BIRTHDAY to the person who gave me this smile since ‘12! Thank you for being patient with me and for making me feel loved by you every single day! #ily Video from months ago, ayaw niya ipa-post pero pinost ko parin pagpasensyahan nyo na voice ko! Bday naman ni @xianlimm hihi Cheers to more laughter, music and all that jazz!”

Isang dekada na nagdi-date sina Xian at Kim pero noong 2018 lang nila kinumpirma ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Nakatakda naman sila magbida sa upcoming Viva movie na may pamagat na ‘Always’. Happy Birthday, Xi!

Previous articleBela Padilla, binalikan ang kanyang big move sa Europa
Next articleSex worker Salome Salvi inspirasyon ng pelikulang ‘Kitty K7’