Tambalang Xian Lim at Glaiza de Castro sa ‘False Positive’, nakakabitin!

NAGWAKAS NA ang riot romance-comedy mini series ng GMA na ‘False Positive‘ na pinagbidahan nina Glaiza de Castro at Xian Lim.

Ito ang kauna-unahang proyekto ni Xian Lim bilang isang Kapuso. Matatandaan na originally ay ang proyekto nila ni Jennylyn Mercado na ‘Love. Die. Repeat’ dapat ang first project niya sa GMA, pero naka-hold muna ang proyekto dahil sa pagbubuntis noon ni Jennylyn sa anak nila ni Dennis Trillo, na nalaman lamang habang sila ay nasa lock-in taping.

Tambalang Xian Lim at Glaiza de Castro sa 'False Positive', nakakabitin!
Glaiza de Castro at Xian Lim

Dahil dito ay in-offer kay Xian ang isang mini series na pinamagatang ‘False Positive’ at ang kilalang versatile drama actress ng GMA na si Glaiza de Castro ang kanyang naging partner.

Sa parte ni Glaiza, nasanay ang mga tao na mapanood siya in heavy drama series. Siya man ang bida o kontrabida, siguradong lalamunin niya kung sino man ang ka-eksena niya.

Mukhang nagwork ang expertise ni Xian sa pagiging romcom king at ang galing ni Glaiza sa drama kaya nakakaaliw ang short but fulfilling run ng ‘False Positive’. Idagdag pa na kasama rin sa show sina Buboy Villar at Herlene ‘Hipon Girl’ Budol bilang sina Malakas at Maganda. Aliw na aliw kami sa serye na pampaalis ng stress dahil nakakaloka lang din ang mga scenario at pinaggagagawa nila rito.

Isa sa iconic scenes dito ni Xian ay ang pagsuot-babae nito na kung anu-ano pang students ang ginawa. Kahit ang real-life girlfriend niya na si Kim Chiu ay hindi kinaya ang transformation ng dyowa niya!

Tambalang Xian Lim at Glaiza de Castro sa 'False Positive', nakakabitin!
Glaiza de Castro and Xian Lim in False Positive

All in all, we’re satisfied sa first Kapuso project ni Xian Lim at happy din kami to watch Glaiza de Castro in a light project for a change. Bitin, pero ito ang tipo ng mini series na hindi kami magdadalawang-isip na muling ulitin.

Congratulations, Team False Positive!

Previous articleJanelle Tee palaban sa pag-dominate kay Baron Geisler sa ‘Pusoy’
Next articleCarlo San Juan at Casie Banks magpapakilig sa ‘Regal Studio Presents: I Love You More and More’