Tambalang Tom Rodriguez at Dennis Trillo, kinakiligan pa rin sa Bench fashion show

ADVERTISING

Tambalang Tom Rodriguez at Dennis Trillo, kinakiligan pa rin sa Bench fashion show

Tom-Rodriguez-Dennis-TrilloHANGGANG NGAYON ang dami ko pa ring naririnig tungkol diyan sa The Naked Truth fashion show na ‘yan ng Bench, huh!

Kahit na-move ito ng ibang araw dahil sa bagyo, ang dami pa ring dumagsa sa SM-MOA Arena para panoorin ang mga paborito nilang artista na rumarampang naka-underwear.

Ang isa sa sobrang nalait, itong si Jake Cuenca na ang lakas ng loob rumampang naka-T back na lumambitin pero ang laki pala ng bilbil.

Nakita ko sa mga naglabasang litrato ang mga kuha ni Jake na ewan ko naman bakit nagkaganu’n ang katawan niya.

ADVERTISING

Dati naman ang ganda ng katawan niya kaya proud na proud siyang rumarampang halos hubad na.

Ang sabi pa naman nila, ‘yun na raw ang huling pagrampa niya sa Bench, at aalis na raw siya pa-Amerika para mag-aral.

Kung ‘yun ang huli niyang rampa sa Bench, ‘di sana pinaghandaan niya ang katawan niya. Hindi kasi talaga maganda kaya tuluy-tuloy kung anu-anong panlalait ang inabot niya.

Pero mukhang wala namang pakialam si Jake, eh. Basta nakapagrampa siya, ‘yun na!

Ang isa raw sa pinalakpakan nang husto, ang pagrampa nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Alam ko mas matanda pa yata si Dennis kay Jake, bakit ang ganda pa rin ng katawan. In fairness naman kay Dennis, alagang-alaga ang katawan niya, ha!

Anyway, kuwela ang pagrampa nilang dalawa at nandiyan pa rin ang kilig ng TomDen tandem nila mula sa success ng My Husband’s Lover.

Natuwa naman ang dalawang Kapuso actor dahil first time nilang rumampang naka-underwear at mabuti maganda naman ang feedback.

Sabi naman ni Dennis, tama lang daw ang pagrampa niyang ‘yun dahil handa na rin naman siya, at siyempre para na rin sa promo ng bagong drama series niyang Hiram na Alaala.

Si Tom naman ay tamang-tama rin dahil nagpu-promote din siya ng bagong game show niyang Don’t Lose the Money.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING