Tambalang Sarah Geronimo at Judy Ann Santos, iniintriga – Tita Swarding

Tambalang Sarah Geronimo at Judy Ann Santos, iniintriga - Tita Swarding

Tambalang Sarah Geronimo at Judy Ann Santos, iniintriga - Tita SwardingOLA CHIKKA………KASALAN DAW ng taon kung sabihin ng karamihan ang kasalang Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas. Marami ang naglabasan na kesyo hindi matutuloy ang kasalan ng dalawa, huh! Kaya ang tanong ng karamihan lalo na ang mga taga-probinsya na hindi updated sa mga tsika ay kung bakit hindi ito matutuloy. Pati sa akin ay nag-text pa ang ilan.

Tuloy po ang kasalan ng dalawa ngunit ang hindi lamang daw tuloy ay ang kanilang wedding reception. Kahit gustuhin man daw ng dalawang ito na maging engrande ang kanilang selebrasyon, sa panahong ito ay kailangan lang daw na itulong sa nasalanta ng kalamidad lalo na ang Ondoy at Pepeng ang gagastusin nila sa reception. Kaya instead na bonggang-bonggang reception ay mauwi na lang daw ito sa simpleng selebrasyon.

Pero iba ang nakarating sa akin na itsinika ng aking Parazzi Girl, na nakawiwindang namang talaga. Ha! Ha! Ha!

Si Senator Mar Roxas lamang daw ang nagpursige kay Korina na maging simple na lang ang reception dahil sa panahong ito at papalapit na ang eleksyon ay  kailangan daw tumulong, huh! Nakaloloka nga naman. Pero no comment ako diyan. Ha! Ha! Ha!

Ang gusto raw talaga ng magaling na broadcaster ay isang engrandeng wedding dahil memorable raw ito sa kanilang dalawa. Ngunit si Sen. Mar daw ang nakiusap sa magiging asawa niya na gawing simple na lang. Ito nga raw ang isa sa pinagtalunan daw ng dalawa, huh! Pero nakumbinse rin ang magaling na broadcaster.

Dagdag pa na tsika,nakapangako na raw kasi sina Koring at Mar sa kanilang mga bisita at gaganapin ito sa Araneta Coliseum kaya expected daw na bonggang- bongga. Dagdag pa ulit ng aking Parazzi Girl, siyempre, kailangan ni senator na tumulong at isa siyang public servant. Charot! Ha! Ha! Ha! Ito talagang Parazzi Girl ko!
AYAW NA AYAW ni Mommy Divine, nanay ni Sarah Geronimo, ang mga intriga na binabato laban sa anak nito. Umuugong na nga na magsasama ang anak nito at ang maybahay ni Ryan Agoncillo na si Judy Ann Santos.

Kesyo si Sarah lamang daw ang makahihila pababa kay Judy Ann. Ano raw?  Naloka ako, ha! Ito pa ang nakarating sa akin, dahil ile-level na raw si Sarah at ihihilera na kina Judy Ann Santos at Claudine Barrretto at ilan pang mga may namesung na mga artista,huh!

Naku, ha! Kailangan pa siguro ni Sarah na pagsikapan upang matapatan ang galing bilang artista ng ilang mga nabangit. Kung noon daw ay ipinareha ito kay John Lloyd Cruz ngunit hindi naman daw si Sarah ang humakot at pinanood ng karamihan kundi ang guwapong-gwapong si John Lloyd ang tinilian at hinabol ng mga babae at bading at hindi raw ang magaling na singer,huh!

At ngayon daw na ipapareha si Sarah kay Judy Ann ay baka ganu’n din daw ang mangyari. Hmmmm….Pero baka ang mangyari raw nito ay si Judy Ann ang magdala naman kay Sarah, parang sa movie nina Lloydie at Sarah. Naku, ha! Ayaw na ayaw ni Mommy Divine ng ganyan. At ano naman kaya ang komento ng fans ni Sarah? Naku, ha! Tsk..tsk..tsk.

SA MGA NANGHULA sa blind item ko noon isang araw, sorry na lang at wala ng clue. Ha! Ha! Ha! Hayaan n’yo na utak n’yo sumakit sa kaiisip. Ha! Ha! Ha! Dahil given na ang clue. ‘Yun na!

How true kaya ang tsikang ito na nagpapasarap lamang daw sa Amerika ang magaling na actress at ina ni Luis Manzano na si Gov. Vilma Santos habang ang mga sineserbisyuhan nito sa Batangas ay naghihirap sa bagyo? Nakakaloka, ha! Ngunit ito pa ang nakakaloka, at nakarating din sa akin, nag-set daw ng appointment ang magaling na actress upang magkita sila ng kumare niyang si Nora Aunor. Si Gov. Vilma raw ang nagpursige na makita ang magaling na kumare. Super busy raw si Nora sa mga show roon sa Amerika, lalo na ngayon na naglilikom ang singer-actress ng donation upang itulong sa mga nasalanta sa bagyo rito sa bansa. Naku, ha! ‘Yan ang inaabangan ng lahat. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding