Tambalang Nash Aguas at Alexa Ilacad, patutunayan ang lakas sa bagong serye

Tambalang Nash Aguas at Alexa Ilacad, patutunayan ang lakas sa bagong serye

Nash-Aguas-Alexa-IlacadUSO NA nga yata talaga ang mga pelikula at teleseryeng pambagets. After watching Relaks – It’s Just Pag-ibig, ang lakas magpa-bagets ng pelikula nina Iñigo Pascual, Sofia Andres, Erika Villiongco at Julian Estrada.

Kaya siguro kahit mga bagets pa (teen category) lang, mapangahas ang Dreamscape Entertainment na i-launch ang tambalang Nash Aguas at Alexa Ilacad sa sarili nilang teleserye.

Based sa fan base ng dalawa, malakas ang loveteam nila. Sa katunayan, kung may KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at JaDine (James Reid at Nadine Lustre), magpapaiwan ba ang mga fans ng dalawa?

Nope, hindi magpapahuli ang N-Lex (na akala ko noong una kong narinig ay North Luzon Expressway).

Tawag pala ito sa tambalan nina Nash at Alexa na mula sa kanilang Sunday afternoon show after ASAP, naging malaki ang fan base nila, para hindi magdalawang-isip ang Kapamilya Network na i-launch ang loveteam nila sa sarili nilang teleserye.

Sa katunayan, akma lang ang timpla ng teleseryeng Bagito na magsisimula mamayang gabi bago mag-TV Patrol na pamalit sa nagtapos na Pure Love last Friday.

Lakas ng tamang pambagets ang mga eksena na dalawa na pakiwari ko, sa teleserye gusto ni Nash na maging binata na kahit sa murang edad ay hindi pa timing at bagets na bagets pa ang karakter niya.

Balita ko nga, ang tambalan nila ni Alexa ay may “something”, hindi lang pang-showbiz dahil every morning bago magsimula ang araw ng dalawa, magka-text na sila.

Sa gabi, bago matulog, sila rin pala ang textmate na parehong nagpapaalam sa isa’t isa before they retire at matulog.

Kung sa bagay, lahat naman yata sa atin, dumadaan sa ganitong stage, kung ang tawag man sa ganitong relasyon ng dalawa ay “puppy love”.

Mabuti nga at sa makabagong panahon with different electronics and gadgets para makapag-communicate, mas madali sa mga kabataan ngayon ang magparating ng mensahe sa mga kapareha na gusto nila.

Isang text lang o ‘di kaya’y mag-private message lang sa Facebook or DM (direct message) sa Instagram; ang bilis magpahatid ng mensahe na gusto mo siya or “love” mo siya.

Sa totoo lang, ang cute ng dalawa, in fairness.

Reyted K
By RK VillaCorta