Tambalang Nash Aguas at Alexa Ilacad, malakas ang hatak

ADVERTISING

Tambalang Nash Aguas at Alexa Ilacad, malakas ang hatak

Nash-Aguas-Alexa-IlacadANG LAKAS pala ng tambalang Nash Aguas at Alexa Ilacad. Kitang-kita ito sa taas ng ratings ng Saturdays and Sunday episode nila sa Wansapanataym ng ABS-CBN titled Perfecto.

May naka-line-up na rin silang pelikula sa Star Cinema, ang Teen Clash kaya lang hindi pa namin alam kung kailan sila magsisimulang magsyuting at kung sino ang magdidirek nito.
Kung may Kathniel at Jadine, Nlex naman ang tawag sa kanilang loveteam. Ang cute, ‘di ba? Parang daan lang, huh!

Nagsimulang mabuo ang Nlex sa Goin’ Bulilit. Parehong grumadweyt ang dalawa sa programa when they turned 13. Pero muling nag-reunite sa Luv U. Second time na ng Nlex na magbida sa Wansapanataym series. Their first was also a huge success.

Kasama rin nga pala ng Nlex sa Wansapanataym ang mga kagrupo ni Nash sa Gimme 5.

ADVERTISING

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING