Tambalang Mark Herras at Jennylyn Mercado, may kilig pa rin!

ADVERTISING

Tambalang Mark Herras at Jennylyn Mercado, may kilig pa rin!

Tambalang Mark Herras at Jennylyn Mercado, may kilig pa rin!
Mark Herras and Jennylyn Mercado sa “The Cure”

TRENDING noong isang araw ang episode ng action series na “The Cure” dahil sa kilig na dulot ng pag-amin ni Darius (Mark Herras) na may gusto siya kay Charity (Jennylyn Mercado).

ADVERTISING

S’yempre, lumabas ang mga loyal MarkJen fans sa kanilang mga lungga and expressed their kilig sa sinusuportahang loveteam.

Sa Starstruck unang nag-umpisa ang tambalan nila. Sa mga fans na nakakaalala, hindi talaga sila ang nililink sa isa’t isa. Si Cristine Reyes ang pinupush kay Mark (naging sila ‘ata?) at si Jennylyn naman ay type noon ni Anton dela Paz, who is now working in an airline.

Sa “The Cure” ay ibinibenta ng GMA-7 ang bagong tambalan nina Tom Rodriguez at Jennylyn Mercado, na okay din naman. Wala nga lang silang chance na i-develop pa ang kanilang chemistry dahil magkahiwalay sila sa mga eksena nila lately.

ADVERTISING

Siguro ay nakaramdam na ang GMA-7 kaya pinagbigyan na ang hiling ng fans na magkaroon ng kilig moments sina Darius at Charity.

Will the MarkJen kilig ‘cure’ the ratings? Ipapasok na rin ang tambalan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid. May pa-teaser na rin ang show na nalalapit na ang pagtatapos ng istorya pero malay natin, baka ma-extend pa if the MarkJen and KyRu tandems translate to increased ratings. Abangan natin!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING