Tambalang Ken Chan at Barbie Forteza, ilo-launch ng Regal sa ‘This Time I’ll Be Sweeter’

ADVERTISING

Tambalang Ken Chan at Barbie Forteza, ilo-launch ng Regal sa 'This Time I'll Be Sweeter'

Tambalang Ken Chan at Barbie Forteza, ilo-launch ng Regal sa 'This Time I'll Be Sweeter'
Barbie Forteza and Ken Chan (KenBie)

ILO-LAUNCH ng Regal Entertainment ang love team nina Barbie Forteza at Ken Can sa pelikulang This Time I’ll Be Sweeter. Hindi makapaniwala si Ken at aminadong kinakabahan dahil malaking pressure para sa kanila ang magbida sa pelikula.

 “Nung una po, I’ll be honest, sobrang kinabahan po kaming dalawa ni Barbie (Forteza). Nag-usap kami ni Barbie bago namin gawin po itong pelikula.

“Sabi namin, ‘Ready na ba tayo?’ And dahil sa mga fans na nagre-request ng pelikula at dahil din sa mga taong nakapaligid sa amin ni Barbie, sila yung nagbigay lakas ng loob sa amin na ituloy yung movie na ito.

“Sabi namin, ‘Kaya natin ‘to.’ At sobrang pasasalamat namin sa Regal Entertainment na pinagkatiwalaan po kami na magbida sa pelikulang ginagawa nila,” kuwento ng Kapuso actor.

ADVERTISING

Ano naman ang pakiramdam niya na sumugal sina Roselle at Mother Lily Monteverde sa kanilang tambalan?

 “Ang sarap sa feeling na nakagawa ka… alam naman natin na yung Regal Films, institusyon yan at sobrang galing sa paggawa ng pelikula. At ngayong nakagawa kami ni Barbie ng pelikula na kami ang bibida, it is really a blessing at sobrang thankful kami ni Barbie,” reaksyon ng binata.

Kung dati-rati ay mga Star Magic artists o Kapamilya stars ang nagbibida sa pelikula ng Regal, binigyan naman nilang chance ang KenBie love team.

Aniya, “Sobrang sarap din po sa feeling non. Actually, nabanggit din po sa amin yon, na parang… normally, most of the time gumagawa ng pelikula ang Regal para sa artista ng ibang network po.

“Nakakatuwa na kahit papaano, naisipan nila na gumawa ng pelikula na ang magbibida naman ay taga-GMA network, so bago sa amin po yon, at sobrang swerte namin ni Barbie na kami ang napili ng mga producer,” sambit pa niya.

Samantala, ang This Time I’ll Be Sweeter ay sa direksyon ni Joel Lamangan.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING