Tambalang Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion, masusubukan na sa ‘Love You Two’

ADVERTISING

Tambalang Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion, masusubukan na sa 'Love You Two'
Gabby Concepcion and Jennylyn Mercado

ADVERTISING

TONIGHT IS THE NIGHT! For the first time ay masusubukan ang fresh tandem nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado via ‘Love You Two‘ sa GMA-7.

Alam naman natin lahat na isa si Jennylyn Mercado sa itinuturing na ‘RomCom Queens’ natin ngayon sa Pilipinas. After her heavy drama movie ‘All of You‘ with Derek Ramsay in 2017’s MMFF and the short-lived action-drama ‘The Cure‘ na TV series, nagbabalik ang hot momma sa kanyang ‘comfort zone’. Sure kami na excited na lahat ng fans ni Jennylyn lalo pa’t matagal-tagal din itong hindi napanood sa TV man o movies.

ADVERTISING

On the other hand, Gabby Concepcion’s success from Ika-6 na Utos just proved na bankable leading man pa rin siya at isa siya sa mga ‘tito levels pero hot’ na artista natin na may chemistry in almost every actresses na pinipair sa kanya. Sa trailer pa lang ng ‘Love You Two‘ ay nakikitaan na sila ng kilig ni Jennylyn at maging ng much younger na si Shaira Diaz, na isa yata sa paborito ngayon ng Kapuso network.

Under the direction of blockbuster director Irene Villamor, ‘Love You Two’ also stars Solenn Heussaff, Jerald Napoles, Nar Cabico and new Kapuso Kiray Celis.

ADVERTISING