Tambalang Darren Eapanto at Cassey Legaspi, patok sa mga manonood

ADVERTISING

Tambalang Darren Eapanto at Cassey Legaspi, patok sa mga manonood

Darren Eapanto & Cassey Legaspi
Darren Eapanto & Cassey Legaspi

Mukhang may panibago na namang alas ang Kapamilya Network at malaki ang posibilidad na mag-click ang umuusbong na tambalan ng mahusay na singer na si Darren Espanto at ang unica hija nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Cassey Legaspi o CassRren kung tawagin ng supporters ng dalawa.
Kung ilang beses na rin naman naming napanood ang dalawa sa mga production numbers sa ASAP at kitang -kita namin ang lakas ng dating ng dalawa kapag magkasama at may dalang kilig sa mga manonood.
Wala rin namang problema if pagtatambalin ang dalawa dahil close naman ang mga ito at okey rin naman sa kanila if bibigyan sila ng proyektong magkasama.
Bukod pa sa sobrang dami na ang supporters ng love team nila, kaya naman hindi na mahihirapang i-push nang husto ang tambalan ng mga ito. Tamang proyekto lang ang kailangan ng mga ito at siguradong mas magki-click ang mga ito.

‘Di ba Rose Armas ng DIVT?

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING