Talents ng GMA, nagkakagulo at nag-aaway-away dahil sa inggit kay Rhian Ramos

Hmmm… true ba na naasar ang isang radio anchor kay Pilipinas Got Talent grand winner na si Jovit Baldivino dahil umandar na naman daw ang kanyang pagiging suplado?

Ganito raw kasi ang kuwento. Siyempre, dahil winner siya ng nasabing talent search e, natural lang na lambingan siya ng sampol kahit na isang linya.

Aba, akalain mo bang bigla raw sumimangot si Jovit at hindi raw siya puwedeng magbigay ng sampol dahil medyo napagod daw ang kanyang boses sa kanyang promo tour.

May ganu’n? Makaaapekto ba sa kanyang boses ang pagkanta ng one-liner?

Ayun! Hindi na lang siya pinilit ng radio anchor na nag-i-interview sa kanya kaya pinaglaruan na lang ang size ng kanyang sapatos at ‘saka nagtawanan ang mga hitad. Alam n’yo na!

HINDI TOTOONG BUNTIS ang isa sa mga pambato ng Sex Bomb na si Aira Bermudez kaya hindi masyadong visible. Hindi rin daw true na sumunod siya sa mga yapak ng mga ex-bombers at lumayas na sa grupong Sex Bomb. Hindi rin daw true na nakipag-live in na siya sa kanyang boyfriend kaya bigla siyang nawala sa eksena.

Para matigil na ang iba’t ibang mga kuwento, ayon sa aming source e, kasama si Aira sa Survivor Philippines Celebrity Edition na malapit nang ipalabas sa Siyete kaya pinagbawalan muna siyang magpakita sa TV o sa mga live performances.

Deadma lang ang mga taga-Focus Entertainment kapag tinatanong tungkol dito kaya siguro nga, totoo na kasama si Aira sa Survivor Philippines Celebrity Edition kaya abangan na lang natin, at kung wala siya ro’n, baka may iba pang kakaibang dahilan.

MAY NAKAPAGKUWENTO SA amin na isang insider from GMA-7’s Artists Center, na nagkakagulo raw at nag-aaway-away ang ibang talents nila dahil sa inggitan.

Naiinggit daw kasi ‘yung iba at nagrereklamo dahil sa special treatment na ibinibigay ng Artists Center kay Rhian Ramos, na incidentally ay pamangkin ng kanilang head na si Ms. Yda Henares.

Sabi kasi ng aming kasusap, may ilang talents sa GMA ang napangakuan na gaganap sana sa character ni Rhian sa bagong teleserye na ipalalabas pa lang pero all of a sudden, nagulat sila dahil ang pamangkin ni Tita Yda ang opisyal na in-announce bilang kasama sa serye na ‘yon.

Ayun! Dahil du’n, sumama raw ang loob ng ilang mga artista sa Artists Center. Sabi pa, dapat daw ay bigyan naman sila ng pansin dahil hindi lang naman daw si Rhian ang kanilang artista.

Kung tutuusin daw kasi e, medyo marami nang programa sa GMA si Rhian at sana raw naman e, maging balance sila sa pagbibigay ng break sa iba pang mga talents na walang trabaho. Ganu’n!

Dasal pa ng kausap naming taga-Artists Center, sana raw e, makarating sa mga bossing ng GMA ang nangyayari sa kanilang department para hindi raw sila nagkakagulo dahil sa inggitan.

O, walang personalan ‘yan, huh! Kuwento lang ‘yan sa amin ng ilan sa mga talents ng Artists Center na nagrereklamo, huh!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleRegine Velasquez, pabulosa sa pamimigay ng regalo!
Next articleChokoleit, nakipagkangkangan sa preso!

No posts to display