TALENT MANAGER NA RIN: Ahwel Paz, aalagaan si Josh Marquina

ADVERTISING

TALENT MANAGER NA RIN: Ahwel Paz, aalagaan si Josh Marquina

TALENT MANAGER NA RIN: Ahwel Paz, aalagaan si Josh Marquina
Ahwel Paz with new talent Josh Marquina

KULANG pa yata para sa radio and television personality na si Ahwel Paz (we call him as Papa Ahwel) sa mga ginagawa niya kaya pinasok na rin niya ang pagma-manage ng artist.

Aside from doing his regular radio work as Jobert Sucaldito’s co-host sa Showbiz Mismo on DZMM on week nights, he now handles the singing career of newbie Josh Marquina na originally ay na discover ni Tito Alfie Lorenzo noon but was endorsed to him.

Josh took up Music major in Voice and minor in Piano sa University of Santo Tomas.

Kuwento ng ni Papa Ahwel  tungkol sa kay Josh na malayo ang mararating with his singing talent.

ADVERTISING

Una si Josh sa mga susunod pa niya na mga talents na aalagaan in the near future.

TALENT MANAGER NA RIN: Ahwel Paz, aalagaan si Josh Marquina
Josh Marquina

Paniwala ng radio host :”Sayang kasi kung hindi mapu-push at misguided. I see in Josh na malayo ang mararating niya with the proper guidance.”

Sa mga shows ng ABS-CBN like mga Kapamilya Day, Bayan Mo I-patrol Mo campaigns ay nakakasama ang binata as one of the performers sa event.

Sa kasalukuyan, Josh and his manager is preparing for his first solo concert to launch ang mga original and over songs niya sa isang digital album (Extend Play ang tawag).

“Inaayos din and arrangement ng isang movie theme song for a Cinemalaya entry for him,” pagmamalaki ni Papa Ahwel who is very excited sa mga international performances ni Josh sa Asia, US at Europe very soon.

Hearing Josh sing during a recent event, may K (read: karapatan) nga ang baguhan. Napaka-powerful ng voice niya at ang presence niya during his performance ay hindi pa-petiks-petiks. Waging wagi ang new talent ni Papa Ahwel.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING