Talent manager, imbiyerna sa kawalan ng respeto sa kanyang alaga

ADVERTISING

BLIND ITEM: A famed talent manager stood her ground: huwag ipasipot sa kanyang alagang seasoned actress ang presscon at promo ng kinabibilangan nitong bagong drama series.

Bagama’t aware naman ang manager na strong support lang ang kanyang ward, still, she’s irrepressibly miffed over the production’s apparent lack of respect for a multi-awarded rtist, “Sukat ba namang ihilera ang alaga ko kay (pangalan ng isang babaeng mang-aawit) at kay (pangalan ng isang actor-director), hello! Respeto man lang sa alaga ko na marami nang achievements… hindi ba alam ng production ang tinatawag na ‘layering.’ Siyempre, sa first layer, ‘yung mga bida, du’n dapat ginawang ‘and’ ang alaga ko. Then sa second layer, ‘yung ibang major support.”

Da who ang imbiyernang talent manager at ang kanyang alaga? Itago na lang natin sila sa mga foreign-sounding names na Lilet Salisbury at Lorelei Tolstoy.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING