TAKLESA MUCH: Aljur Abrenica, nilaglag sina Louise delos Reyes at Robin Padilla!

ADVERTISING
TAKLESA MUCH: Aljur Abrenica, nilaglag sina Louise delos Reyes at Robin Padilla!
Louise delos Reyes and Aljur Abrenica

A FEW DAYS ago, lumabas ang bali-balita na out of the blue, inamin ni Aljur Abrenica na nagkaroon sila ng short-lived romance ni Louise delos Reyes noong pareho pa silang nasa GMA-7.

Unang nagsama ang dalawa sa fantaseryeng Kambal Sirena. Ayon sa mga ulat noon, sina Kylie at Aljur pa at sina Enzo Pineda at Louise pa ang magkarelasyon nang pumutok ang isyu tungkol sa namagitan sa kanila.

Nakakaloka lang na ang sinasabi ngayon ni Aljur ay break na sila ni Kylie during that time while insinuating na magdyowa pa noon sina Louise at Enzo.

If we remember it correctly, may mga interviews si Kylie years ago na halatang disappointed dahil sa naging ‘something’ nina Aljur at Louise. We can only assume na during that time ay either hindi maka-move on si Kylie or may relasyon pa talaga sila noon.

TAKLESA MUCH: Aljur Abrenica, nilaglag sina Louise delos Reyes at Robin Padilla!Maliban sa paglalaglag kay Louise, pati ang father-in-law niya na si Robin Padilla ay nilaglag din niya.

ADVERTISING

Kailangan bang sagutin ni Aljur ang mga katanungan tungkol sa personal nilang affairs ni Kylie? Sa pagbubulgar niya na hindi pa nakikita ni Binoe ang apo, baka lalo pa itong gumawa ng gap sa pagitan ng mag-ama.

Nakakaawa si Kylie dahil kahit noong buntis siya at hanggang ngayon, siya ang naiipit sa pagiging taklesa ng soon-to-be husband niya.

Alam din namin na balik-tambalan sina Aljur at Louise for Wansapanataym, pero hindi ba niya naisip na irespeto man lang ang current boyfriend ng dalaga? Kahit man lang courtesy din kay Louise na ngayo’y nagsisikap na makagawa ng sariling pangalan sa bakuran ng Kapamilya network by doing her job well. Kitang-kita ang drive ng dalaga to succeed based on her FPJ’s Ang Probinsyano performance at waiting na rin kami sa tapatan nila ni Erich Gonzales in a teleserye soon.

Dahil sa pagiging taklesa ni Aljur, lalo lang niyang ginugulo ang buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi tuloy namin mapigilan na i-compare silang dalawa ng fellow Starstruck 4 graduate na si Paulo Avelino, na kahit may time na chaotic ang personal life nito, hangga’t maaari ay hindi ito nagsasalita at pinag-iisipan ang mga statements niya. Learn from Pau!

ADVERTISING