Tahimik lang ang preparasyon: aktres na hiwalay na sa asawa, magpapakasal na sa pulitikong taga-N orte!

YES, LATEST na latest ang aming blind item today. Knowing n’yo ba ang bida natin na isang actress na malapit nang magpakasal sa isang politician mula sa may bandang Norte?

Sabi nga walang lihim na hindi puwedeng sumingaw. Yes, mga kaibigan, mukhang lihim pa ang preparasyon pero isang very reliable source ang nakapagtsika sa atin na busy na nga raw ang mga wedding organizer sa nalalapit na kasalang magaganap.

Alam na kaya ito ng dalawang anak ng aktres ang naging desisyon nitong magpakasal? At isama pa rin natin ang kanyang ex-husband, alam na rin kaya nito?

Kung matuloy man ang seremonya, bale second time na ni aktres kung sakaling ngang makasal nga siya. Makialam kaya ang kanyang mga anak? Boto kaya ang mga anak niya? O, knows, n’yo na ba?

Gusto n’yo pa ba ng clue? Basta ang kanyang initials ay niya nasa first four ng alphabet. Rambolin n’yo na lang. Hahaha!

(By Fernan de Guzman)