Tago: Sikat na personalidad, feeling First Lady na?!

ADVERTISING

SA LUMALAWAK NA kasapian ng mga chikadora, ‘eto ang latest sa humahabang listahan ng ating katakam-takam na chika. May isa raw babaita na hindi pa man opisyal na lady ng dyinodyowa n’ya, eh, ef na ef na sa pagpi-feeling First Lady ng Republika.

Komento ng isang badet na member ng our most coveted Chismis Republic, “Hindi pa nga sila official ng kanyang dyinodyowa, feeling First Lady na raw agad ang lola!”

Sagot ng isa pang baklitang kloseta, “Hayaan n’yo na mga mudra, wala namang masamang mag-ambisyong maging asawa, este, First Lady pala.”

Ang siste, maugong na raw ang negatibong tsika tungkol sa ating bida. Hindi na ito bago kung tutuusin. Natsismis na kasi noon kung gaano siya kataray at kalupit sa kanyang staff lalo na ‘pag sinusumpong ng kung anumang puwedeng tawaging sumpong. Pinangingilagan daw nga umano ito ng kanyang staff dahil ayaw naman nilang maging tagasalo ng katarayan lalo pa’t wala rin naman silang kalaban-laban.

Ang matindi, isang miron ang may exag (OA) na tsikang kilala rin daw umano ito sa pambabato ng kung anumang hawak niya ‘pag nairita siya. Bukod diyan, sobrang OA raw ang kanyang pagkaambisyosa. Maging ang isa nga nitong kasamahan sa kaniyang industriya, nakasamaan ng loob nito dahil na rin sa sinagasaan niya para lang makamit ang kanyang matayog na ambisyon.

ADVERTISING

Pero hirit ng bubuwit, nasungkit man daw ng ating bida ang kanyang ambisyon mula du’n sa kasamahan niya, at least, ‘yung huli, pinakasalan na ng dyowa at mayroon ng isang magandang pamilya. May ganun?!

‘Eto pa, mula naman sa isang insider na malapit nang mag-resign sa paninilbihan sa dyinodyowa ng ating bida, hindi nito kinakaya ang pagpi-feeling First Lady ng ating bida. Kasi ba naman, OA sa dami ng staff nito na para bang nanalo na nga ang kanyang mahal sa eleksiyon sa Mayo pa naman talaga ang simula. Aba teka… may ganu’n?! Kailangan n’yo pa bang maramdaman ang clue?!

ADVERTISING