Sylvia Sanchez, wish na makatrabaho ang anak na si Arjo Atayde

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, wish na makatrabaho ang anak na si Arjo Atayde

Sylvia-Sanchez-Arjo-AtaydeKUNG MAY isang tao na sobrang saya sa magandang itinatakbo ng career ni Arjo Atayde, ang lead actor sa Pure Love, ay ang kanyang award-winning actress na ina na si Ms. Sylvia Sanchez. Saksi si Ms. Sylvia sa pag-grow ng kanyang anak na si Arjo sa pagiging isang mahusay na teen actor sa kanyang henerasyon.

ADVERTISING

Isa nga sa wish ng mahusay na aktres ay ang makatrabaho ang kanyang anak na si Arjo. “Simula pa noong nagsisimula si Arjo, pangarap ko nang makatrabaho siya, natural anak ko ‘yun. Iba kasi ‘pag kami ‘yung magkasamang aarte, mapa-telebisyon o pelikula man ‘yan, okey lang basta magkasama kami.”

Pero sa likod daw ng kanyang utak, naglalaro ang posibilidad na kabahan siya. “Pero, sigurado ako, kakabahan ako as nanay niya. Kakabahan ako. Alam mo ‘yung pakiramdam ng isang ina, ‘Asan ‘yung bata?’ Pero kung sasabihin mo kung kaya ko, kaya ko, pero kabado. Siyempre, sanay na ang mga kaeksena mo ay hindi mo kaanu-ano, tapos heto, anak mo? Basta iba.”

Hinihintay na lang daw ni Ms. Sylvia ang araw na may proyektong darating sa kanila ng kanyang anak na si Arjo. Sa ngayon daw ay pareho silang busy sa kani-kaniyang proyekto, kung saan bukod sa Be Careful With My Heart, may pelikula pang ginagawa si Ms. Sylvia, kung saan isang nanay na tomboy ang role niya, samantalang busy naman si Arjo sa top-rating soap na Pure Love.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING