Sylvia Sanchez, walang paking mag-trying hard basta para sa anak

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, walang paking mag-trying hard basta para sa anak

Sylvia-SanchezBILIB DIN ako sa tibay ni Sylvia Sanchez sa puyatan. Last Tuesday andu’n kami sa haybols niya sa Quezon City. Inimbitahan kami ni Ibyang na doon mag-dinner na siyang kadalasan naman naming ginagawa para magkatsismisan, makipag-update sa mga araw-ara na kaganapan ng mga buhay-buhay namin.

Noong gabing ‘yun, nadatnan namin si Nanay Teresita, pa-relax-relax lang. Pero wala pa pa siyang tulog at galing siya ng taping ng Be Careful With My Heart sa Laguna na three times a week ang schedule niya. Naabutan namin siya na kumakain ng tortang alamang na isinasawsaw sa sukang kinurat na paborito niya habang katsika si Empress Shuck kasama ang dalawang anak na sina Rea at Gela.

Dumating siya ng mga alas-dos ng hapon galing taping na the following day na natapos. Imbis na matulog, kausap niya ang mister na si Papa Art Atayde. Kulitan silang mag-djowa. Nagpapaantok, pero nang makaramdam ng pagod at gusto na matulog, saka naman dumating ang dalawang girls niya na kailangan niyang asikasuhin. Noong araw na ‘yun, bonding day niya with her kids. Sa kabila ng kaabalahan sa trabaho bilang artista, first and foremost priority niya ay makasama at asikasuhin ang mga anak at mister bilang ina at asawa.

Noong gabing ‘yun, dumating din si Enchong Dee na kabarkada ng mga anak niya na bumeso at short tsika sa amin ni Ogie Diaz.

ADVERTISING

Sa living room habang nagtsa-tsaa kaming dalawa ni Ibyang, kakulitan niya si Xavi, ang bunsong lalaki niya na sabi nga niya, “ May 10 years pa na p’wede ko siya (Xavi) kakulitan. Paglaki na niya, hindi na ‘yan magpapa-lambing.”

That night, wala si Arjo Atayde, ang panganay nila ni Papa Art. May meeting with cousins and friends sa planong negosyo na papasukin ng young actor (baka ito yong motel business). “Pero pauwi na ‘yun in a while dahil may taping pa siya ng Pure Love,” kuwento ni Ibyang as the Nanay of Arjo.

Bilang ina, excited si Ibyang sa magiging pagtangap sa anak niya sa Pure Love na magsisimula na sa darating na Lunes, July 7, na pupwesto bago mag-TV Patrol. Kasama ni Arjo sa Pinoy adaption ng Koreanovela si Alex Gonzaga at dalawang mga baguhang dalaga ng ABS-CBN.

Sa totoo lang, ang mga non-showbiz friends ko, excited sa Pure Love ng Kapamilya Network. “Nag-hit ‘yong show dati,” kuwento ng kaibigan ko na regular viewers ng Koreanovela noon.

Sa Lunes, alam ko, isa si Sylvia sa kabado sa magiging reaksyon at feedback ng publiko sa palabas. Nanay na nanay si Ibyang basta sa mga anak niya. Bukod sa publicity ng Kapamilya Network sa show, siya mismo, nagte-text brigade sa mga kaibigan, magpo-post sa kanyang Facebook at Instagram para mai-promote ang show ng anak.

Sabi nga ni Ibyang, “Kahit mag-trying hard ako para sa anak ko, may tiwala ako at naniniwala ako sa ipakikita ni Arjo bilang artista at siya bilang tao. Mabait ‘yan,” pagmamalaki ni Ibyang sa kanyang binta.

Acting wise, no doubt na isa si Arjo sa mga de kalibreng kabataang artista natin sa liga niya sa hanay na kasunod nina Piolo Pascual at John Llyod Cruz (na idol ni Arjo sa simula pa lang).

Napatunayan na ito ng binata sa previous projects niya, kung saan hinangaan siya bilang artista dahil sa kanyang performance (dalawang beses na bilang-bida sa MMK) na naging dahilan para mapunta sa kanya ang mahalang role na ito sa aabangan ng publiko na Pure Love.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING