Sylvia Sanchez, type na gumanap ulit bilang tomboy

Sylvia Sanchez, type na gumanap ulit bilang tomboy

Sylvia-SanchezSA PAGWAWAGI sa 31st Star Awards for Movies sa kanyang pelikulang The Trial bilang tomboy para sa kategoryang Best Supporting Actress, willing daw ulit gumanap na tomboy sa pelikula ang mahusay at award-winning actress na si Sylvia Sanchez.

Ani Ms. Sylvia, isa raw ang pagiging tomboy sa very challenging role na kanyang nagampanan. Kaya naman daw if may mag-aalok sa kanya ng proyektong tomboy muli ang kanyang role, tatanggapin niya raw ito.

Dagdag pa nito na sa dami raw ng tomboy na kanyang kaibigan ay ang mga ito raw ang kanyang pinagkukunan ng idea kung papano magsalita at kumilos na kanyang nagamit nu’ng ginawa niya ang The Trial.

John’s Point
by John Fontanilla