Sylvia Sanchez, tatlong pelikula ang tinanggihan

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, tatlong pelikula ang tinanggihan

Sylvia-SanchezDAHIL SA halos araw-araw na taping ng top-rating soap ng ABS-CBN na NingNing, hindi na nagawa pang tanggapin pa ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez ang tatlong pelikulang inaalok sa kanya.
Ang dalawa ay indie film at ang isa ay mainstream movie under Star Cinema na siyang nagbigay ng ilang beses na Best Supporting Actress para sa mahusay nitong pagganap bilang tomboy sa pelikulang The Trial.
If tatanggapin daw ito ni Ms. Sylvia ang mga nasabing pelikual ay mahihirapan siya at baka mawalan ng oras sa kanyang pamilya. Kaya naman daw mas pinili na nitong tanggihan ang mga nasabing offer, pero ayaw na raw nitong banggitin kung anong mga pelikula sana ang kanyang gagawin, secret na lang daw.

ADVERTISING

 

Gawad-KabataanGawad Kabataan Pilipinas, magkakaroon ng relief operations para sa nasalanta ng bagyong Lando sa Nueva Ecija

MAGKAKAROON NG relief operations ang Gawad Kabataan Pilipinas sa pangunguna ng Gawad Kabataan Youth Ambassador na si Justin Lee na magaganap sa October 31 sa Nueva Ecija ng 8 am para sa mga nasalanta ng bagyong Lando.
Makasasama ni Justin sa araw na ito ang mga SMAC Artists na sina Mash Up Princess Angelica Feliciano, Gawad Kabataan Correspondents Grey at Rain Calaunan, Mary Joy Apostol, atbp.
Sa lahat ng gustong magpaabot ng kanilang tulong, puwedeng mag-email sa celebritychanneltv@gmail.com o kaya’y tumawag sa numerong (02) 506-2192 o kaya sa Gawad Kabataan SMAC Globe Hotline na 09178520 491.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING