Sylvia Sanchez, super excited sa pagrampa ng bunsong anak na si Xavi Atayde

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, super excited sa pagrampa ng bunsong anak na si Xavi Atayde

Xavi Atayde With Family (Mommy Sylvia Sanchez, Daddy Art Atayde , Siblings Arjo, Ria & Gela, And Lola  Pilar)
Xavi Atayde With Family (Mommy Sylvia Sanchez, Daddy Art Atayde , Siblings Arjo, Ria & Gela, And Lola Pilar)

Naging super excited ang kaibigang Sylvia Sanchez dahil ang bunsong anak nila ni Papa Art Atayde na si Xavi ay rarampa for the first time as a model sa runway ng “Style Origin Festival” fashion show where he promoted the clothing brand “Cotton On Kids” na isinagawa yesterday afternoon (Sunday) at the Trinoma Mall.

All out ang supporta ng mga older sibling ni bagets na siyempre as always present si Mamita (Lola) Pilar (the mom of Papa Art Atayde) sa activities ng kanyang mga apo.

Present siyempre ang dalawang ate ni Xavi na sina Ria, who is becoming one of our popular showbiz newbie after her performance recently in MMK at sa morning serye na “Ningning” where she played the role as Titser Hope, at Gela (who is into dancing), at ang kanyang Kuya Arjo na isa sa mga importanteng actor natin sa kasalukuyan na regular nating napanonood sa “FPJ’s Ang Probibsiyano”.

Happy sina Ibyang at Papa Art sa kinalalabasan ng tamang pagpapalaki nila sa mga anak.

ADVERTISING

Sina Arjo and Ria ay mga kabataang marespeto sa kanilang kapwa na siyang itinuro ng mag-asawa, and si Gela naman (I remember her noong 3-4 years old pa lang siya na kapag dumadalaw kami nina Anna Pingol sa haybols nina Ibyang sa Pasig), siya ‘yong batang makulit na sunod nang sunod sa amin na umiiwas nga kami dahil during that time ay nagyo-yosi pa ako para hindi maging biktima ng second-hand smoke si bagets.

Si Gela, for sure, ‘pag nakatapos na ng high school ‘yan, susunod din sa yapak ng kanyang Kuya Arjo at Ate Ria na hindi man siya mag-artista, pero “showbiz” pa rin ang papasukin as a passion and a career na rin as a dancer.

At the show yesterday, ang cute ni Xavi na palaging nakangiti showing his dimples. Guwaping na gwaping na sa biglang tingin ay carbon copy ng kanyang ama na tisoy at guwaping din.

Sa pagbibinata ni Xavi, I’m sure ay seseryosohin din niya ang modelling, kung sakaling hindi man niya pasukin ang showbiz tulad ng kanyang kuya at ate.

With Xavi’s looks and charm, alam n’yo na Papa Art and Ibyang, cry me a river sigurado ang mga girl at mga beki sa bunso n’yo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING