Sylvia Sanchez, sobrang saya sa parangal mula sa Amerika

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, sobrang saya sa parangal mula sa Amerika

Sylvia-SanchezHAPPY KAMI sa kaibigang Sylvia Sanchez dahil super happy siya nang manggaling siya sa Los Angeles, California to received her award from Gawad Amerika last November 7 sa Celebrity International Center.

Nang makipagkita sa amin ang aktres late night of Saturday, agad niyang ipinakita sa amin, sabay abot ang tropeo na ibinigay sa kanya. Yes, si Ibyang aka Mamay and aka Nanay Tessie ay happy dahil kahit sa malayong Amerika ay kilala pa rin siya.

“Ganun pala kalakas ang TFC,” panimula na kuwento ni Sylvia sa amin. “Pati sila affected sa amin ni Mang Cris (role ni Rommel Padilla sa Ningning) at kinikilig sila sa amin.”

Happy si Sylvia dahil kung kailan tumanda na siya sa showbiz (mga 30 years na), isa-isang dumarating ang mga pagkilala sa kanya.

ADVERTISING

“Super happy ako sa award na ito. At least, ang effort ko, nagkabunga rin. Salamat, Lord!” sabi ni Sylvia sa amin habang aandap-andap ang ulirat at tinamaan na siya ng jetlag.

Simula today, Monday, balik-taping siya for Ningning. “Basta happy ako. Maganda ang ibinibigay sa akin ng Diyos. Masaya ako para kay Arjo at kay Ria at sa pamilya ko,” sabi ng aktres.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING