Sylvia Sanchez, ratsada sa pagbabalik trabaho

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, ratsada sa pagbabalik trabaho

Sylvia Sanchez, ratsada sa pagbabalik trabaho
Sylvia Sanchez with Yves Flores and Arjo Atayde

MAIKLING paghihintay na lang para sa mga fans at supporters ng aktres na si Sylvia Sanchez na tila nabitin sa pagwawakas ng afternoon seryeng “The Greatest Love” dahil balik TV si Ibyang (tawag namin sa aktres) very soon sa Kapamilya Network.

 
Sa pagbabalik telebisyon ng akres ay makakasama ni Sylvia ang anak na si Arjo Atayde sa bagong teleserye niya na ipo-produce ng GMO Unit ng ABS-CBN na sa pagkakaintindi namin ay kuwento ng isang ina na may dalwang anak played by Arjo and Yves Flores mula sa dalawang magkaibang ama.

Wala pa masyadong naibigay na detalye si Ibyang tungkol sa bago niyang serye. “Si Arjo nagtaping na. First taping day niya last Friday. Ako naman baka next week ang schedule.” kuwento niya sa amin.
 
Bukod sa bagong serye ay magiging busy si Sylvia sa tatlong pelikula niya: Para sa Cinema One Originals na “Nay” na isang aswang film kung saan siya ang gaganap na ina ni Enchong Dee. Gagawa rin siya ng pelikula sa Regal Films under Joel Lamangan at yong indie film na si Dennis Padilla ang nag-didirek.
 
Kung walang aberya last Saturday ay may shooting siya sa Naic (Cavite) para sa pelikulang dinidirek ni Dennis.
 
This coming week ay magiging busy na si Ibyang.
 
“Excited ako sa mga projects ko ngayon. Short vacation lang pala ang nangyari after ng TGL. Back to work. Hinahanap-hanap ng katawan ko ang trabaho.” sabi ni Ibyang sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING