Sylvia Sanchez, puring-puri si John Loyd Cruz

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, puring-puri si John Loyd Cruz

Sylvia-SanchezMASAYA RAW ang naging bakasyon sa Europa ng mabait at mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez kasama ang kanyang mabait at very supportive na asawa . Ito raw bale ang regalo ni Ms. Sylvia sa kanyang sarili sa dami ng trabaho niyang ginawa mapa-telebisyon o pelikula.
At sa pagbabalik nga nito sa bansa, magiging busy ito sa promotion ng The Trial. Dagdag nga ni Ms. Sylvia, happy raw ito sa pagkakasama sa latest movie ng Star Cinema na The Trial, dahil nakatrabaho nito ang isa sa mahusay na aktor sa Pilipinas na si John Lloyd Cruz.

Tsika nga ni Ms. Sylvia, napakahusay raw na aktor ni John Lloyd at mabait pa at marespeto sa kanyang mga katrabaho.
Bukod kay John Lloyd, kasama rin ni Ms. Sylvia sa said movie sina Jessy Mendiola, Richard Gomez at Gretchen Barretto.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING