Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde, in-enjoy ang Oktoberfest sa Germany

ADVERTISING

Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde, in-enjoy ang Oktoberfest sa Germany

Sylvia-Sanchez-Art-AtaydeNAKABALIK NA from her short European vacation cum “honeymoon” ang kaibigang Sylvia Sanchez at ang mister na si Papa Art Atayde. Dumating sila last Sunday na ayon sa kuwento ng aktres, enjoy na enjoy nila ang Germany, lalo na’t nasabay sa Oktoberfest na sine-celebrate worldwide.

Matagal na palang naka-schedule ang bakasyon nilang ito ni Papa Art, kaya naman hindi na nakapag-promote ang aktres ng kanyang latest movie na The Trial ng Star Cinema na palabas starting today October 15.

Sa pelikula ni Direk Chito Roño, she plays the tomboy mother of John Lloyd Cruz na ang ama naman ay isang cross-dresser na bading played by stage thespian and talented musical director na si Vincent de Jesus.

Personal choice ni Direk Chito si Sylvia for the role na noon pa man nagsisimula ang aktres nagsama na sila ng kanyang director sa mga pelikula niya sa Regal Film at Seiko Films noon in the 80’s.

ADVERTISING

“Third movie ko ito kay Direk Chito, itong sa amin nina Goma, Gretchen at Lloydie. Ang first ko kay Direk was with Ruffa Gutierrez, Aga Muhlach and Richard Gomez. ‘Yong pangalawa ko sa kanya was with Rita Avila, Romnick Sarmienta.”

Kuwento ng aktres, isa si Direk Chito sa mga hinahangaan niyang direktor na alam kung ano ang gusto niyang kakarter na dapat ipakita ng artista niya. Napaka-professional ni Direk Chito on-cam pero off-cam kaibigan siya. Tsikahan to death kayo,” kuwento ni Sylvia.

Sa pagbabalik niya para dumalo mamayang gabi sa premiere night ng The Trial, nakatakda ring umalis muli ang aktres sa December para dumalo sa kasal ng “anak” niyang si Aiza Seguerra at partner nitong si Liza Diño sa Amerika.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING