Sylvia Sanchez, pangarap na makasama sa soap ang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, pangarap na makasama sa soap ang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde

Sylvia Sanchez, Ria Atayde & Arjo Atayde
Sylvia Sanchez, Ria Atayde & Arjo Atayde

Pangarap daw ng mahusay at award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez ang makasama sa isang teleserye ang kanyang dalawang anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde.
“Nakasama ko na pareho sina Ria at Arjo, pero hindi ‘yung matagal. Like ‘yung kay Ria, nakasama ko siya sa “Ningning” at si Arjo Atayde naman sa “Pure Love”.
“Pero mas maganda ‘yung makasasama ko sila sa isang soap na mula umpisa hanggang sa end ng show, magkakasama kami. Although alam ko na hindi ganu’n kadali ‘yun, pero sana magkatotoo.”
Sa ngayon daw, happy si Ms. Sylvia sa magandang itinatakbo ng career ng kanyang mga anak at ganu’n din siya.
Mapanonood si Ms. Sylvia Sanchez sa ABS-CBN serye na “Super D” na pinagbibidahan ni Domic Ochoa bilang si Super D na anak sa serye ni Ms. Sylvia.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING