Sylvia Sanchez, pahinga muna matapos ang ang morning serye

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, pahinga muna matapos ang ang morning serye

Sylvia-SanchezHuling Episode na ng Ningning today, Friday kung saan sa last stretch ng morning serye ang makulit at masayahing bata na si “Ningning” ay mabubulaga.

ADVERTISING

“Nakami-miss ‘yong working relationship namin sa set,” kuwento ng kaibigang Sylvia Sanchez who plays the role of Maymay na lola ni ‘Ningning’ sa pampa-good vibes na serye.

Last week, Friday. ang last taping day ni Ibyang, pero last Sunday sa final bow ng casts ay kumpleto sila para makasama ang mga fans at tagasubaybay ng morning at pampa-positive enegry serye nila na naglikha rin ng milyun-milyong mga fans tulad sa nauna na “Be Careful With My Heart” na nag-trending sa viewing habit ng mga Pinoy.

Sa ngayon, total rest muna si Sylvia Sanchez. Pagod noong nakaraang Kapaskuan at sa bakasyon nila ng pamilya sa Dubai at doon sila nag-celebrate ng New Year.

ADVERTISING

Kami man, ‘di pa namin nakauusap nang personal ang aktres at ang komunikasyon lang namin ay thru text or mag-usap sa phone.

“Kailangan kong mag-rest para makabawi ng pagod,” sabi niya sa amin the other day. May kakulangan siya sa pahinga sa halos araw-araw na pagte-taping for almost a year, ngayon niya binabawi.

“Tamad na tamad ako. Lagi akong nasa kama lang at tulog nang tulog. Ayaw kong bumangon,” sabi niya.

Sa ngayon, wala pang naka-line-up kung anong susunod na project for her, pero with Tita Angge as her manager, after a month or two, back to work na naman si Ibyang at hindi  na naman ito mababakante.

“Gusto ko lang pasalamatan sila (mga fans) na walang sawa sumusuporta sa akin, sa amin. Hanggang sa susunod na teleserye, kita ulit tayo,” pansamantalang pamamaalam niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING