Sylvia Sanchez, ngaragan ang taping sa pinagbibidahang serye

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, ngaragan ang taping sa pinagbibidahang serye

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

Ngaragan ngayon ang kaibigang Sylvia Sanchez dahil sa bagong drama serye sa Kapamilya Network na “The Greatest Love”, kung saan siya ang bida ng palabas who plays the role of Gloria na ina ng kanyang apat na anak.

Right after the kanyang grand presscon last week, kinabukasan (Friday), si Sylvia, lumipad naman patungong Quirino Province via Cauayan, Isabela as her jump-off point para bumiyahe overland patunong location taping niya.

Sino ang hindi mangangarag kung after two days of taping in the province, pagkabalik ni Ibyang last Sunday sa Manila, direstso naman siya sa Manila location nila?

Sa pagkakaalam ko, binubuo ngayon ng aktres kasama sina Dimples Romana, Arron Villaflor, Matt Evans, at Andi Eigenmann ang unang linggo ng drama serye.

ADVERTISING

“Kinikinis ng production ang kabuunan ng pagsisimula namin kaya wala pa talagang exact date kung kailan ito mapanonood,” kuwento ni Ibyang sa amin.

Sa apat na magiging anak ni Sylvia sa drama-srerye, mas naunang nagsama sa seryeng “Esperanza” sina Ibyang and Dimples.

“Bata pa lang ako, nakakaeksena ko na si Ate Sylvs,” kuwento ni Dimples who will plays the eldest daughter of Sylvia sa “The Greatest Love”.

This week, tila araw-araw ang taping ni Sylvia Sanchez except for Sundays na simula pa lang ay naka-reserve para sa family bonding naman niya with her family.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING