Sylvia Sanchez, natupad ang pangarap na makapareha si Christopher de Leon

Sylvia Sanchez, natupad ang pangarap na makapareha si Christopher de Leon

Christopher de Leon and Sylvia Sanchez
Christopher de Leon and Sylvia Sanchez

Sa wakas bongga ang naging karanasan ng aktres na si Sylvia Sanchez nang makasama niya ang aktor na si Christopher de Leon sa “MMK” na mapanonood bukas (Saturday).

Hindi ito ang unang pagsasama nina Ibyang at Boyet, “May movie na kami noon. Nang makasama ko siya sa movie, may isang eksena kami na may dialogue. ‘Yong isa, walang linya. Emote lang,” sabat ng aktres sa akin sa FB nang maka-chat ko siya yesterday.

Nasa bucket list ni Sylvia Sanchez na makasama si Boyet sa pelikula. “Noong nag-uumpisa pa lang ako sa Regal nun, idol ko na siya. Gusto kong maging part ng kahit na anong project niya.

“Hayun, napagbigyan  ako. Dalawang eksena. ‘Yong isa may linya. ‘Yong sumunod na eksena, wala na,” mensahe ni Sylvia sa amin na I’m sure nakatawa ang aktres sa karanasan niya.

Dagdag pa ni Sylvia sa karanasan niya with Christoper de Leon: “Proud ako dahil ako ang pinili ng produksyon ng MMK for the role as the wife of Boyet. Thank you sa MMK at ABS-CBN for helping make one of my dreams come true na makasama si Bro. Bo (Boyet).”

Sa “MMK” story na mpanonood bukas, role bilang mag-asawa sila ni Boyet na parehong titser na kinidnap ng mga Abu Sayaff na nasa direksyon ni Dondon Santos.

Bukod dito, dapat abangan ang muling pagbabalik ni Ibyang sa primetime television via “Super D” na tipong fantasy  na ang target market ay ang mga bata na magsisimua na sa April 18.

Reyted K
By RK VillaCorta