Sylvia Sanchez, napagkamalang tomboy

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, napagkamalang tomboy

Sylvia-SanchezPINUNO NG hiyawan at palakpakan ang mga madramang eksena ni Ms. Sylvia Sanchez at John Lloyd Cruz sa pelikulang The Trial sa naganap na block screening nito sa Shangri-La Cinema 2, last Oct. 18. Dahil na rin sa husay ng pagganap ni Ms. Sylvia bilang si Sampy, ang tomboy na ina ni John Lloyd, habang isang special child naman ang role na ginampanan ni John Lloyd.
Tsika nga ng mahusay na aktres, papaano raw siyang ‘di makaaarteng tomboy, samantalang halos karamihan ng kanyang mga kaibigan, kung hindi bakla ay tomboy like Aiza Seguerra, atbp. Kaya naman daw nagampanan nito nang buong husay ang papel sa The Trial.
Ilan sa mga dumalo at nanood ng block screening ng The Trial ay ang isa sa stars nito na si Joy Viado, Billy Crawford, Arjo Atayde, ang komedyanteng si Gary, Mel Kimura, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING