Sylvia Sanchez, naluha nang manalong best supporting actress sa Star Awards

Sylvia Sanchez, naluha nang manalong best supporting actress sa Star Awards

Sylvia-SanchezKAHIT PARATI nang nananalo ng award ay hindi naiwasang maluha ng mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez sa tuwing tatanggap ito ng tropeo ng pagkilala sa husay niya bilang aktres.
Katulad na lang nang magwagi ito ka-tie si Gretchen Barretto sa Best Supporting Actress category para sa mahusay nitong portrayal bilang tomboy sa pelikulang The Gift sa katatapos na 31st Star Awards for Movies na ginanap sa The Solaire.
At sa kanyang speech, inialay ni Ms. Sylvia ang kanyang award sa kanyang pamilya, tagahanga, at mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan bilang aktres.
Taos-pusong pasasalamat ang nais nitong iparating sa pamunuan at miyembro ng Philippine Movie Press Club, gayundin sa Star Cinema, kanilang director sa The Gift, at sa kanyang mga kasamahan sa nasabing pelikula.

John’s Point
by John Fontanilla