Sylvia Sanchez, naki-indie na rin para sa CinemaOne Originals bilang aswang!

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, naki-indie na rin para sa CinemaOne Originals bilang aswang!

Sylvia Sanchez, naki-indie na rin para sa CinemaOne Originals bilang aswang!
Sylvia Sanchez with Direk Kip Oebanda of Nay

I’M SURE maninibago ang mga fans at followers ng ”Nanay” ng telebisyon na si Sylvia Sanchez after ng kanyang mga sunod-sunod na mga “mother roles” sa mga palabas ng Kapamilya Network in the past.

 
From Nanay Teresita nina Jodi Sta. Maria at Aiza Seguerra sa “Be Careful with My Heart”; as Mamay Pasing of Ketchup Eusebio at Lola Janna Agoncillo in “Ningning” at ang pinag-usapan na karakter niya as Nanay Gloria sa super hit na afternoon serye na “The Greatest Love”; ipagpapatuloy pa rin ng aktres ang kanyang “nanay”role sa bagong movie project niya  na may pamagat na “Nay” para sa CinemaOne Originals Film Festival in November 2017 kung saan kakaibang “nanay”ang magiging role ni Sylvia sa anak na si Enchong Dee.
 
Sylvia Sanchez, naki-indie na rin para sa CinemaOne Originals bilang aswang!
NAY movie teaser (CinemaOne Originals 2017)

Sa poster ng pelikula, isang nanay na aswang ang aktres.

 
Modern at level up na aswang, ayon sa short information sa amin ni Sylvia.
     

Wala pa masyadong detalya na naibigay si Ibyang (tawag namin sa kanya). Ang alam namin, sa August na ang start ng shooting ng pelikula mula sa direksyon ni Kip Oebanda.

 
Exciting ito. From a loving and compassionate nanay; si Ibyang mangangain ng tao as an aswang?
 
Bongga! For a change at excited na rin kami sa aktres na mapanood sa wide-screen after ng The Trial nila nina Richard Gomez at Gretchen Baretto noon.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING