Sylvia Sanchez, nakayang pagsabayin ang career at ang pamilya

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, nakayang pagsabayin ang career at ang pamilya

Sylvia-SanchezSOBRANG MAHAL ni Sylvia Sanchez ang kanyang showbiz career, kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon na kilalanin bilang seryosong aktres ay hindi na talaga siya bumitiw. Bagkus, sa bawat pagdaan ng taon ay lalo pa niyang pinaghuhusay ang kanyang acting, kaya naman hindi siya natetengga para mawalan ng trabaho. Mabango ang kanyang pangalan sa bakuran ng ABS-CBN, kaya naman lagi siyang mayroong teleserye, ‘tulad ngayon na kasama na naman siya sa Ningning at kung minsan pa nga, mayroon siya sa tanghali at mayroon din sa gabi.

ADVERTISING

Ang tanong: May panahon pa ba si Sylvia para sa kanyang pamilya? Hindi nagpapakaperpekto ang magaling na aktres bilang wife ni Mr. Art Atayde at ina ng kanyang mga anak. Pero kung ang kanyang mga anak ang tatanungin, nagkakaunawaan sila sa pamilya at wala silang masasabi kung papaano sila binibigyan ng panahon ng kanilang mommy mula sa kanilang pagkabata hanggang sa magsilakihan na sila. Nakakayang pagsabayin ni Sylvia ang kanyang career at ang pamilya.

Bakit naman kasi ang hindi? Napakamaunawain ni Art Atayde bilang husband ng isang aktres na nagpapahalaga sa kanyang career. Kaya nga, wala na ring nagawa si Mr. Atayde nang pumasok na sa showbiz ang mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde. Paano, nakita niyang masaya rin ang kanyang mga anak na sundan ang yapak ng kanilang mommy. Mayaman si Art at kahit hindi mag-artista si Sylvia at ang kanyang mga anak ay kaya niyang buhayin. Kaya lang, naroon ang kanyang suporta kung saan masaya ang kanyang wife at mga anak na nasa showbiz na rin ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING