Sylvia Sanchez, nagsalita na sa relasyon ng anak na si Arjo kay Maine Mendoza

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, nagsalita na sa relasyon ng anak na si Arjo kay Maine Mendoza

Sylvia Sanchez, nagsalita na sa relasyon ng anak na si Arjo kay Maine Mendoza
Sylvia Sanchez and son Arjo Atayde

MAINIT na topic sa showbiz ngayon tungkol sa rumored relationship ng aktor na si Arjo Atayde at Maine Mendoza.

ADVERTISING

Sa kabila ng kaliwa’t kanang usapan-usapan tungkol sa “relasyon” ng dalawa na puro speculations pa rin until now, wala pa rin kumpirmasyon kung sila nga ba talaga dahil both parties ay tahimik lang at hindi nagsasalita at nagkukumpirmahan.

Sabi nga, action speaks louder than words. Wala man sinasabi sa publiko at sa media ng pag-amin, who else can confirm sa pananahimik ng dalawa?

No less than actress Sylvia Sanchez na loving mom ng binata.

ADVERTISING

Sa morning show na Magandang Buhay na napapanood on weekdays right after Umagang Kay Ganda, inamin ni Ibyang (tawag naming sa aktres) na mas nauuna pa ang social media sa balita tungkol sa rumored new girlfriend ng anak niya.

“Sa social media ko nalalaman na may ganun.  Kami ng anak ko, sa bahay, we don’t discuss ang mga ganu unless sila ang mago-open up,” sabi ni Ibyang.

Hinahayaan niya ang anak na nagsimula mag-open up. “Sa bahay, ang mga personal nila, hindi namin pinaguusapan hangga’t sila mismo ang magku-kuwento,” pagpapatuloy niya.

Sylvia Sanchez, nagsalita na sa relasyon ng anak na si Arjo kay Maine Mendoza
Atayde Family

Ang aktres naman, supportive sa lovelife ng mga anak niya. ”Ang mahalaga ay magalang ang mga karelasyon nila sa amin ng Dad nila. Mahirap ka man o mayaman, maganda ka or sikat o hindi sikat, ang importante mahal mo ang mga anak ko at hindi mo sasaktan,” kuwento ni Ibyang noon sa amin nang mapagusapan namin personally ang tungkol sa lovelife ng mga anak niya.

At the moment, halos tapos na ang shooting ng aktres sa Cebu City for a film with actor Noni Buencamino at sa pagpo-promote niya ng beauty product na ini-endorse ng aktres.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING