Sylvia Sanchez, nagluluksa man sa pagpanaw ng kaibigang si Joy Viado, todo-kayod pa rin sa serye

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, nagluluksa man sa pagpanaw ng kaibigang si Joy Viado, todo-kayod pa rin sa serye

Sylvia Sanchez With Co-Stars Joshua Garcia, Dimples Romana And Aaron Villaflor In The Greatest Love
Sylvia Sanchez With Co-Stars Joshua Garcia, Dimples Romana And Aaron Villaflor In The Greatest Love

Kahit puyat last night (Sunday) at mga 1:00 in the morning na yata kami nag-uwian galing sa wake ng kaibigan niyang si Joy Viado, kailangang gumising nang maaga ni Sylvia Sanchez at bumiyahe nang 4:00 a.m. patungong San Vicente, San Miguel, Buacan para sa taping niya ng “The Greatest Love”.

Ito ang regular routine ni Ibyang, kung saan sa Bulacan ang location ng old house nina Gloria Alegre (karakter ng aktres sa TGL) sa istorya. ‘Yong eksena ng dalagang Gloria sa probinsiya na may tulay, ilog, at kabukiran, sa Quirino Province ‘yun kinunan noong nagsisimula pa lang silang mag-taping. Ito ‘yong mga eksenang flashback sa kuwento ni Gloria portrayed by Ellen Adarna.

Hindi alam ng showbiz, si Joy at Sylvia ay close sa isa’t isa. ‘Pag may kaganapan sa personal na buhay ng aktres, nandu’n si Joy at kasama.

Sa huling ganap sa haybols ni Ibyang para sa close friends ng aktres para sa pa-birthday party niya para sa mister na si Papa Art Atayde, nandu’n si Joy. Pakanta-kanta with her jazzy type of song. Patawa nang patawa na siyang payaso sa pagtitipon.

ADVERTISING

Sa birthday din ng aktres na most of the time ay very intimate, kabilang si Joy sa mga panauhin. Ganu’n kasi si Ibyang pagdating sa mga kaibigan niya. Long term. Hindi lang one shot deal. Mahirap si Ibyang pasukin at hindi madaling magtiwala. Kilala niya kung sino ang tunay niyang kaibigan at hindi lang showbiz, ‘ika nga.

Last night, pagod si Ibyang (tawag namin sa aktres) sa halos araw-araw na taping para sa kanyang serye ng totoong buhay sa Kapamilya Network, Sunday is always a family day para sa aktres.

Basta kapag Linggo, no work for her or any commitment. Kainin mo na ang Mondays to Saturdays kahit hanggang paumagahan oks lang sa kanya, but not Sunday dhil para ‘yun sa kanyang pamilya.

Kaya nga bilib kami sa energy niya, dahil kung minsan sa halip na itutulog niya ang Sabado dahil pahinga siya sa trabaho, gi-gimmick pa sila ng mga anak niya na sina Gela at Xavi.

“Bumabawi ako sa kanila Roel. Lalo na kay Xavi na sa edad niya, naghahanap talaga. Pero masaya ako kapag kasama ko sila. Pero how I wish buo sila palagi.

“Si Arjo at Ria, may sarili nang mundo. Very seldom kong nakasasama sa lakaran. Sina Gela at Xavi lang most of the time. Kami ni Art,” kuwento niya minsan sa amin.

Sina Arjo at Ria kasi, may kanya-kanyang lakwatsa na’t barkda. Si Arjo busy sa taping at sa kanyang sports. Si Ria naman, kapag walang showbiz work ay kasama ang mga kaibigan.

Last night (Sunday evening) nakatakdang umuwi na nga sa Manila si Ria from her lakwatsa with friends in Siem Reap, Cambodia.

Kaya si Ibyang, si Gela, at ang bunsong si Xavi na lang kadalasan ang nakasasama.

Sa lamay ni Joy, tsikahan kami with Fernan de Guzman aka Ms. F at Sylvia tungkol sa magandang feedback ng teleserye niya tuwing hapon.

“Masaya ako dahil marami ang nagkakagusto. This week, huwag kang bumitaw (alam niya na sinusundan namin ang serye) dahil makikilala mo kung sino talaga si Lieel (played by Andi Eigenmann).

Last night sa bahay ng aktres, may konting salu-salo at pasasalamat sa magandang feedack at rating ng “TGL” after a week of broadcast. No wonder na ang sipag magtrabaho ni Ibyang dahil inspired siya sa comment ng publiko.

Kami man sa sobrang kabisihan, naho-hook na rin sa “The Greatest Love” na napanonood after “Doble Kara”.

May ikukuwento sana ako about Sylvia na related kay Joy, pero huwag na lang at baka magalit si “Gloria”…. Akin na nga lang.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING