Sylvia Sanchez, may hugot sa kasalang dinaluhan ng kanyang buong pamilya

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, may hugot sa kasalang dinaluhan ng kanyang buong pamilya

MAY hugot mode ang aktres na si Sylvia Sanchez ngayong araw nang dumalo silang buong pamilya sa isang kasalan na ang reception ay naganap sa Nielson Tower sa Makati Avenue na dating airport last night.

ADVERTISING
Sylvia Sanchez, may hugot sa kasalang dinaluhan ng kanyang buong pamilya
Sylvia Sanchez & family

Buo ang pamilya. Kumpleto ang casting from Ibyang to husband Papa Art Atayde to Arjo, Ria (na nagse-celebrate ng kanyang karaawan today), Gela, at bunsong si Xavi.

Sa Facebook post ni Ibyang, sinulat niya: “27yrs ago, dito ako sa lugar na to, the Nielson Tower mkt, dinala ako ni Art para ipakilala nya sa pamilya nya. Wala pang isang taon noon si Arjo at wala pang RIA, Gela at Xavi at kagabi, di ko inasahan na doon ang reception ng kasal ng pinsan naming si @peachatayde at @aabuendia #apearfectaffair.

“Wow, bumalik lahat ng mga ngyari sa akin noong gabing yon pati yong kwento ng steak na yan hahaha.

ADVERTISING

“Katuwa! Nakabalik kaming mag asawa sa kung saan niya ako pinakilala sa kanyang pamilya. Kasama ng apat naming anank; wow just wow sobrang saya ko kagabi na inaalala ang gabing yon 27yrs ago? 27yrs and going strong!! Wow! #thankuLORD sa napakagandang blessing na to,” pagsi-share ni Ibyang sa kanyang FB followers ng isa sa mga magagandang mga pangyayari sa buhay niya.

Pansin ko, mukhang ang hugot ni Ibyang sa kanyang social media account about her family, pam-positive vibes ito. Si Ibyang pa na first and foremost, family niya ang kanyang priority.

Speaking of kasalan, abangan sa Lunes ang bonggang kasal ni Sylvia as Gloria at Nonie Buencamino as Peter sa “The Greatest Love” na kinunan sa St. Andrews Church sa Silang Cavite.

ADVERTISING