Sylvia Sanchez, mas priority pa rin ang pamilya kahit busy sa movie at TV projects

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, mas priority pa rin ang pamilya kahit busy sa movie at TV projects

Sylvia Sanchez, mas priority pa rin ang pamilya kahit busy sa movie at TV projects
Sylvia Sanchez and Mother Lily Monteverde

EWAN KO kung papaano nilalagare ng aktres na si Sylvia Sanchez ang kanyang taping at shooting schedules gayong dalawang pelikula ang ginagawa nya at isang teleserye kung saan until now ay wala pa daw siguradong titulo as of the last time na nakausap namin siya.

Mas mahaba-habang aktingan ang gagawin nila ng anak niyang si Arjo Atayde na magbabalik telebisyon after his remarkable role as Joaquin sa FPJ’s Ang Probinsiyano. Nagtataka sa kamalayan ng publikong manonood kung gaano kasama ang karakter ng binata sa naturang serye bilang mortal na kaaway ni Cardo played by Coco Martin sa first book nito.

 
Pangalawa, nagsimula na rin si Ibyang na mag-shooting ng horror movie niya na “Nay” with Enchong Dee para sa Cinema One Originals na  magsisimula na sa October.
Pangatlong protekto  naman ay ang kanyang balik-nanay role sa launching movie ni Sofia Andres na “Mama’s Girl” from Regal Films sa direksyon ni Joel Lamangan.
 
Sort of pagbabalik-bayan ang paggawa ng aktres muli ng pelikula sa kampo ng Regal Films kung saan si Mother Lily ang kauna-unahang movie producer na nagbigay sa kanya ng malaking break na umarte sa pelikula.
 
Sylvia Sanchez, mas priority pa rin ang pamilya kahit busy sa movie at TV projects
Sylvia Sanchez in character for “Nay”

Bukod sa mga nabanggit na mga trabaho ni Ibyang after makapagpahinga nang matapos ang afternoon serye niya na “The Greatest Love” ay tunay naman na nagppaaka-super aktres si Ibyang at aktibo muli matapos makapagp-break sa kanyang work.

 
Sa totoo lang, kapag nagta-trabaho si Sylvia ay wala siyang reklamo. Pagtrabahuin mo man siya mula alas-sais ng umaga hanggang past midnight araw-araw ay okey lang kanya basta huwag lang siya i-book or i-schedule on a Sunday dahil family day niya yun para makasama ang asawang Papa Art Atayde at ang dalawang mga anak na si Gela at ang bunso na si Xavi na pwedeng-pwede din mag-showiz na kakabugin nito ang kaguwapuhan ng mga male stars natin.
 
Priority pa rin ni Ibyang ang kanyang pamilya (asawa at mga anak) over work,
“Sila ang lakas ko. Kahit gaano man ako kapagod basta maglalambing na ang bunso ko, nawawala ang stress at physical na pagod ko,” kuwento ng aktres sa amin.
 
Sylvia Sanchez, mas priority pa rin ang pamilya kahit busy sa movie at TV projects
Sylvia Sanchez with Arjo Atayde

Sa pagiging busy ng dalawang anak na si Arjo at Ria Atayde sa kanilang mga sariling showbiz careers, on a Sunday lang sila naku-kumpleto over lunch or dinner kasama ang pamilya

 
Sya nga pala, isa din sa rason kung bakit ganado si Sylvia sa kanyang trabaho bilang aktres ay dahil sa mga awards na iginagawad sa kanya tulad sa “Teleserye Actress of the Year” para sa PEP Editor’s Choice Category ng The PEP LIST 4 para sa ipinamalas niyang acting sa seryeng “The Greatest Love”.
 
Congratulations Ibyang.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING